Tambakan (Blog Version)

Blog EntryUpdatesAug 27, '08 9:49 PM
for everyone

Kanina ay nagpuyat ako para lang antayin ang laban ni Novak Djokovic. Sadly, nakatulog ako pero talaga nga namang sinuswerte ako sa paggising kasi pagmulat ko ng mata eh Third Set na ng laban ni Djokovic, at naipanalo na niya ang two sets.

Nagkainjury pa siya sa right ankle niya, na siya namang ikinabahala ko. Sayang lang ang dominance niya sa 2 sets kung magreretire lang siya sa match. Buti na lang at slight injury lang yun at pagkatapos gamutin ng ATP trainer eh naglalakad na siya ulit ala-Tennis Superstar.

1st Round

Novak Djokovic (SRB) def. Arnaud Clement (FRA)

6-3, 6-3, 6-4.

Second Round Opponent: Robert Kendrick (USA) - Sa Sunday ata.

 

1st Round

Rafael Nadal (ESP) def. Bjorn Phau (GER)

7-6, 6-3, 7-6

Second Round Opponent: Ryler de Heart (USA) - Bukas ng Umaga.

 

1st Round

Roger Federer (SUI) def. Maximo Gonzalez (ARG)

6-3, 6-0, 6-3

Second Round Opponent: Thiago Alves (BRA) - Sa Saturday ata.


Blog Entry2 more reasons to be happy about in September.Aug 20, '08 7:00 AM
for everyone
1. May Balls at Star Sports Channel kami!

Kaya mapapanood ko ang US Open! Madefend kaya ni Federer ang Top 1 Spot? As of August 18, Number 1 si Nadal, Number 2 si Djokovic at Number 3 si Federer.

2. Sa September 11 na pala ang The Amazing Race Asia.

What a great september for all of us. May maganda rin palang naidulot yung Writers Strike.

Blog EntryAnak ng TeleberAug 18, '08 11:50 AM
for everyone
Hango sa ekspresyon ni kaibigang Elmer este Elmo.

--

May bago palang show si Chris Tiu. Siya na ang Dean Cain ng Pinas. Siya kasi ang host ng Ripley's Believe It or Not. Sige na Ateneo, si Chris na ang model student. The best ang Acads, Sports, Social Life, Family, Financial Status, Looks, Entertainment Value etc. Ayon nga kay kaibigang Katrisha, mabaho ang paa ni Chris Tiu, para naman may flaw siya kahit kaunti lang. Ayon kay kaibigang Dianne, anlaki na raw ng inimprove ni Chris Tiu sa hosting. Wowowee! [BTW, may Chris Tiu ang XOXO Rangers, pero may gf na siya. For the record, siya lang ang may lovelife sa XOXO Rangers. Go Ralphie]

--

Friend na ako ni Richard Poon sa Multiply. Haha. Binalak kasi ng XOXO Rangers na kaibiganin itong si Richard Poon kahit sa Multiply lang. Kaya kung binabasa man to ni Mr Poon, Ang XOXO rangers ay certified Pooners.

--

Kung nahihiwagaan kayo sa XOXO Rangers, eto kami!

[Click mo, links yan lahat ng multiply nila]

Jam
Elmo
Ralph
Brent
Kuya Ge
at syempre ako!

Ilang mga facts about the XOXO Rangers

  1. Nagkita kami lahat sa Pinoy Big Brother Thread ng Pinoy Exchange. Nagsimula ang Y!M Confes dahil napansin nilang mabagal makipag-usap sa threads.
  2. Nasabi ko na, may sarili kaming Chris Tiu.
  3. Meron saming anak ng Governor ng isang lalawigan sa Pilipinas.
  4. Meron saming presidente ng fans club ni Robi, so technically, lahat kami ay members ng fans club ni Robi. 5 nga lang sa amin ay inactive. Sino kaya ang 5 dun?
  5. Almost everyday ang chatting ng XOXO rangers nung summer.
  6. May kani-kaniya kaming XOXO nicknames.
  7. Si Jam lang ang High School, at si Jam lang ang babae, at si Jam lang ang hindi nakatira sa Manila, etc. Andaming qualities na si Jam lang ang meron sa grupo.
  8. Si Brent lang ang officially walang kaloveteam. May Jjamppong, Margeream, Gerhea, Ralph - Kuya Edsa (o diba buo) at Shamhiro [hi shams!].
  9. Hindi pa namin nakikita ang isa't isa.
  10. Si Kuya Ge lang ang nakagraduate ng college samin. Kaya nga kuya eh.
  11. Pooners ang XOXO Rangers. Go Richard Poon!
  12. Hindi lang online ang connection ng XOXO, may GM lines din kami. Dun kami mas nakakakonek sa isa't isa.
  13. Mysteriously, hindi tumatanggap ng extra members ang XOXO. 6 is 6 talaga.
  14. Ang Theme Song ng XOXO Rangers ay I AM THE DOG WHO LEAVE YOU ni Regine Velasquez.
  15. Ang favorite namang awayin ng XOXO Rangers ay isang nilalang na nagngangalang Izette, kung sino man siya.

Blog EntrySinong gusto ng My Sassy Girl (Remake) copy?Aug 16, '08 3:42 AM
for everyone
Nakasave ako ng pera kasi dinownload ko lang to. At hindi yung videocam version ah. Talagang DVD version.

Although marami ang nagsasabi na mas maganda pa rin ang korean version, I say, the remake did a really good job. Parang pareho lang sila ng level. I am shocked na hindi nababoy ang storya ng My Sassy Girl Korean Version, at the same time, nagkonek konek naman ang ilang mga diversions sa original story.

Bagay na bagay din ang bida na sina Jesse Bradford at Elisha Cuthbert. Swak ang Nice Guy Image ni Jesse at ang pagka-sassy ni Elisha.

--

Kung gusto niyo ng kopya, bigyan niyo lang ako ng CD. .avi ang file kaya sa computer niyo lang siya mapapanood.

Blog EntryShet. Heroes Mania is Drawing Near..Jul 28, '08 1:53 AM
for everyone
Sa September na nga ang Volume 3 ng Heroes.. at naspoil na ako sa first episode.

Nakakainis naman kasi. Hindi mo talaga mapipigilan ang iyong sarili sa spoilers na kakalat kalat sa internet. Ang masasabi ko lang, kung totoo nga ang spoilers na nabasa ko.. eh super ganda ng Volume 3 ng Heroes.

Sa mga hindi nanonood ng Heroes, may 2 months pa kayo para maghabol. The best talaga ang show na to.

Dahil trip ko, magbibigay ako ng DALAWANG spoiler.

Ang bumaril kay Nathan nung nagsalita siya eh si Future Peter.
Makukuha ni Sylar ang powers ni Claire, pero di mamamatay si Claire. Medyo malalaman na natin kung paano kinukuha ni Sylar ang powers ng ibang tao.


Blog EntryNandito na me..Jul 20, '08 11:29 AM
for everyone
Wala akong magawa.

Nandito na me
Umiibig to you
Kahit na, nagbibleeding love.
If ever he makes iwan you.
Don't make alala
May nagmamahal to you.
Nandito na me.

Blog EntryThe Make-Your-Own-Band MemeJul 19, '08 12:58 AM
for everyone
galing sa Blogdrive ni Colleen.

Instructions
1. Go here. The first random Wikipedia article you get is the name of your band.

2. Go here. The last four words of the very last quote of the page is the title of your first album. If you want to do this again, you'll hit refresh to generate new quotes, because clicking the quotes link again will just give you the same quotes over and over again.

3. Go here. Third picture, no matter what it is, will be your album cover.

4. Go here. The first ten links you end up in (minus the .coms) are your 10 song titles.

Results:

Name of my band:
Peak Uranium
Title of my album: Degree below your means
Album Cover:


Track List:

  1. Andrewraff
  2. Damn That Clickers Music
  3. Default Milk
  4. Kung Fu Grippe
  5. Buy Metal
  6. Chellman
  7. Black Plague Wheels
  8. Lune Hats
  9. Roxie
  10. Revelator
Ang cool niya.



Blog EntryHELPJul 14, '08 10:05 AM
for everyone
Bigay naman kayo ng movies to watch.

Romantic Comedy/Romantic Dramedy/Romantic Drama
[basta romantic at nakakakilig. HAHA]

preferably 2004-present. Ayoko na kasi ng mas luma pa..

salamat sa magrerecommend.
[gusto ko rin, yung mataas ang rating sa rotten tomatoes]

Blog EntryHappy Birthday Lolo!Jul 13, '08 7:15 PM
for everyone
Ireneo Dayandante Sr.
[July 14, 1924 - November 30, 2000]

We Miss You.

Blog EntryUP Fighting Maroons: 1-1Jul 12, '08 4:51 AM
for everyone
Wah. Natalo ang mga manok natin laban sa UST.
94-75.

Pero keri lang. 1-1 naman eh. May 12 games pang nag-aantay para ipanalo. AT mas maganda ang routines natin kanina sa half time. HAHA.

UP FIGHT!
Go UP MBT!

Blog EntryBuhay pa si Steve, anu ba kayo?Jul 5, '08 9:37 AM
for everyone

Kung di niyo alam ang Blue's Clues, then di kayo naging bata. Naging parte ng usapan naming mga Maksci Pips ang pagpanaw daw ni Steven Burns ng Blue's Clues. Well, nandun ako sa panig ng hindi siya patay. At totoo nga na hindi pa siya patay. In your face, Patay-na-si-Steve team!

Actually, naging sad ako nung pinalitan ni Joe si Steve. At alam na alam ko kung ano ang ginamit nilang rason kung bakit aalis si Steve sa bahay kunyari. PAPASOK SIYA SA COLLEGE. Haha. Super natatandaan ko pa yun eh. Paano kaya siya papasok sa college kung lagi siyang tanong ng tanong ng sagot sa mga friends na nanonood? Magagawa niya kaya yun sa college? Baka ma-tribunal siya? Kasi, ang cheating ay grounds for expulsion. [corny na]

Sabagay, nakakabaliw nga naman ang trabaho niya. Nagsasalita ng mag-isa sa green screen. Kaya siguro naimbento ang Dora the Explorer - na pure animation. At saka nagkaroon ng spin-off ng Blue's Clues - si Blue na ang nagsasalita.

Sa mga ayaw maniwala na hindi pa siya patay, isearch niyo sa google. Gumawa pa nga siya ng webpage para patunayang hindi pa siya patay. Ektweli, Rocker na nga siya ngayon. Eto na ang picture niya.



AT, sa mga tinatamad na magGoogle. Eto link


AT ang webpage niya:

http://www.steveswebpage.com


Blog EntryNakakapagod mag-UAAPJul 5, '08 5:27 AM
for everyone
Syempre, dahil masisingko ako sa Cheerleading kung di umattend, nandun ako sa araneta kanina. Actually, sa sobrang excitement ko, kaming dalawa ni Martin + Ilang Maksci Peeps [na 08] ang nanguna sa pila ng Gen Ad [poor lang kami, at nandun ang pep squad for easy stamping]. And, obviously, we got the best seats in Gen Ad. [Basta malayo ka sa drums at nakakaupo ka pag commercial]. Mautak din ang UP at inilagay ang UP section na nakatapat sa "audience" kaya hindi mga likod ng mga performers ang nakikita namin.

Tapos, ang isa pang swerte namin eh kami ang unang pinirmahan ng Pep Squad Girl sa lugar namin. Kaya naman di na kami pumila at sumiksik sa drummers para magpa stamp.

Nakakatuwa sa Gen Ad kasi kayo ang magstastart ng sigawan. Nung hindi pa nagsisimula ang palabas.. kabi kabilaan ang pasiklaban ng drums. Sumali rin kami pero wala na talagang tatalo sa energy ng UE, parang every minute silang nagdadrums. Napansin ko lang na Missing in Action ang drummers ng Ateneo. Nagreready na siguro bukas kasi magsisimula na naman ang laban ng Ateneo at La Salle.

At isa pa pala, UP ang may pinakamaraming tao sa Gen Ad at UpperBox. Wala lang. Andaming nagkalat sa Gateway pagkatapos ng Opening Ceremonies.

Blog EntryNanalo si Pacquiao.Jun 29, '08 7:27 AM
for everyone
So what?

Kung alam niyo ang Red Light District ng Makati [Burgos St.], pwes.. makikita niyo ako dun tuwing linggo. Hindi ako nag-na-night life dun. Nandun lang kasi ang aming simbahan. Diba.. amidst all the Bars dun sa P Burgos.. nakasituate dun ang aming simbahan, ang Makati United Methodist Church.

So, laban na nga ni Pacquiao. Eh kapag laban ni Pacquiao.. para kumita ang Jool's Bar dun sa tabi ng simbahan namin eh may access sila sa Pay Per View ng laban ni Pacman. Kaya naman kumpulan ang tao dun pag Boxing time na. As usual, andaming avid fans ni Pacman kanina. Yung mga Taxi Driver eh ibinalandra na lang ang mga taxi nila sa gilid tapos nagsipuntahan sa nasabing bar para manood.

Kung huli kayo sa balita, nanalo si Pacquiao. TKO ata.. after 9 rounds. Bulagta si Diaz. Sigawan ang mga tao dun sa bar. Tapos, after ilang minutes... REALITY CHECK! Wala pa rin namang kinita ang mga taxi drivers na nakinood. Di naman nagrollback ang presyo ng gasolina. Di naman tumaas ang Rice Production ng Pilipinas.

Anung purpose ng post na ito?

Kasi pagkatapos maki-uzi ng tatay ko sa nasabing Bar.. pumunta kami ng Mall. At nadatnan ko ang mall na walang tao! Gustong gusto ko pa naman ang mall na walang tao pag linggo. Tapos nagkamirakulo at bigla na lang kaming binilhan ng PSP ni Inay.

Kaya nagpapasalamat ako kay Pacquiao sa aming bagong bagong.. limited edition na PSP!

Blog EntryPabonggahan in September.Jun 23, '08 5:02 AM
for everyone
Yahoo! Excited na ako sa September!

  • Heroes Season 3 [Eventually Volume 3: Villains] Premiere - September 22, 2008.
  • Chuck Season 2 Premiere - September 29, 2008.
  • Desperate Housewives Season 5 Premiere -  September 2008.
  • Survivor 17: Gabon Premiere - September 2008
  • The Amazing Race 13 - September or November 2008
Di ko pa man to pinapanood.. alam kong favorite niyo ang mga to.. Lalabas din sila sa September

  • Gossip Girl Season 2 - September 1, 2008
  • Grey's Anatomy Season 5 - September 25, 2008
  • The Office Season 5 - September 25, 2008
  • One Tree Hill Season 6 - September 1, 2008
  • Bones Season 4 - September 3, 2008
  • America's Next Top Model Cycle 11 - September 3, 2008
At ang higit sa lahat...

Ang birthday ko.. SEPTEMBER 26, 2008. Yahoo!

--

May strike na naman! Pero di na Writers Guild Strike. kundi.. Screen Actors Guild Strike. Ipinaglalaban nila ang kanilang porsyento sa mga sales mula sa ITunes at iba pang pinagdodownloadan ng tao. Makikita natin si Teri Hatcher at McDreamy na nagpipiket sa lansangan. Haha. Dadami nanaman ang Reality Shows ngayon.

Blog EntryThe Freaking QuestionJun 18, '08 10:13 AM
for everyone
Kanina habang naghuhugas ng plato.. tinanong ako ng kapatid kong First Year High School.

"Kuya, What is Science?"

Nakakainis talaga ang ganyang mga assignments nung high school. Pareho lang sila ng feeling ng pagtatanong ng "What do you expect from this class?".

Di lang yung What is Science ang tanong.. sinundan pa ng "What are the characteristics of Science?". Bakit kaya ang haba haba ng assignment na ibinibigay ng teachers pag first day. At usually, sinasagot natin to ng buong puso. Usually nauubos na natin ang 5 pages ng ating notebook kakasagot sa mga tanong na yan.

What is science?

     Science is the concerted human effort to understand, or to understand better, the history of the natural world and how the natural world works, with observable physical evidence as the basis of that understanding. It is done through observation of natural phenomena, and/or through experimentation that tries to simulate natural processes under controlled conditions.



Blog EntryMovie ReviewsJun 13, '08 2:29 PM
for everyone
Tinatamad ako magcopy paste. Basahin niyo na lang


Blog EntryPasukan na Bukas.Jun 9, '08 1:21 AM
for everyone
And I am not excited.

Kasi.. base sa mga prof.. This sem will be HELL for me.

May 7:00 class pala ako bukas. Tapos ang uwian ko ay 6:00 pm. Sana naman tamarin pa magklase si Atienza para naman may breaks ako bukas.

~

Natapos ko na pala iDL ang Season 4 ng Desperate Housewives. Kung gusto niyo ng kopya.. bigyan niyo ako ng blank DVD. Buti naman at naaccomplish kong tapusin ang Desperate Housewives ng buong summer. Happy pa rin naman ako at magkasama pa rin sina Mike and Susan next season [although magdidivorce sila eventually]. I just wish na ang kwento nila ay tulad ng kay Gabby at Carlos.

So far, the best ang Tornado Episode nila, saka rin yung Finale. Nakakahanga talaga si Marc Cherry for making a one of a hell great story mula sa mga magkakapitbahay.

~

Tapos ko na ring iDL ang Chuck. Pero di ko pa natatapos panoorin. Itatry kong isa-isahin ang episodes during school nights until matapos ko ito.

~

Then off na ako para panoorin ang mga ipinaburn ko kay Toni. [So far, Juno at The Simpsons Movie pa lang ang napapanood ko dun]. Panonoorin ko rin pala ang Made of Honour na katatapos ko pa lang iDL. At ngayon, matiyaga akong naghihintay sa diniDL ko na Enchanted. Yahoo!

~

Nakakainis na natalo si Robi ng 30k votes laban kay Ejay. I mean, do you want a big winner who doesn't know the No Parking Sign. Alam ko na galing siya sa isla pero tumapak naman siya sa Manila a year ago. Sana man lang, nakapagtanong siya kung ano ang meaning ng sign na ganito and ganyan. Well, Ejay chose to be Ejay.

Win or Lose, It's Robi We Choose! Yahoo! GO Robilievers!

Blog EntryRemember your Slumbook Dedications?Jun 4, '08 12:44 PM
for everyone
Nakuha ko ang ideya kay Brent.

H.O.L.L.A.N.D. - Hope Our Love Lasts And Never Dies.
I.T.A.L.Y. - I Trust And Love You.
L.I.B.Y.A. - Love Is Beautiful; You Also.
F.R.A.N.C.E. - Friendships Remain And Never Can End.
C.H.I.N.A. - Come Here.. I Need Affection.
B.U.R.M.A. - Between Us, Remember Me Always.
N.E.P.A.L. - Never Ever Part As Lovers.
I.N.D.I.A. - I Nearly Died In Adoration.
K.E.N.Y.A. - Keep Everything Nice, Yet Arousing.
C.A.N.A.D.A. - Cute And Naughty Action that Developed into Attraction
K.O.R.E.A. - Keep Optimistic Regardless of Every Adversity.
E.G.Y.P.T. - Everything's Great, You Pretty Thing!
R.U.S.S.I.A. - Romance Under the Sky & Stars is Intimate Always.
M.A.N.I.L.A. - May All Nights Inspire Love Always.
B.A.L.I.W.A.G. - Beauty And Love I Will Always Give.
M.A.L.A.B.O.N. - May A Lasting Affair Be Ours Now.
I.M.U.S. - I Miss U, Sweetheart.
P.A.S.I.G. - Please Always Say I'm Gorgeous.
C.E.B.U. - Change Everything... But Us.
P.E.R.U. - Porget Everyone... Remember Us.
P.A.R.A.N.A.Q.U.E. - Please Always Remain Adorable, Nice And Quiet Under
Ecstacy.
T.O.N.D.O. - Tonight's Our Night, Dearest One.
P.A.S.A.Y. - Pretty And Sexy Are You.
Y.E.M.E.N. - 'Yugyugan Every Morning, Every Night.
M.A.R.L.B.O.R.O. - Men Always Remember Love Because Of Romance Only..
Y.A.M.A.H.A.. - You Are My Angel! Happy Anniversary!
P.H.I.L.I.P.P.I.N.E.S. - Pumping Hot...I Love It!...Please Please.. I Need
Erotic Stimulation!
V.I.E.T.N.A.M. -Very Interesting and Entertaining Nymphs And Madams!
T.H.A.I.L.A.N.D - Totally Happy. Always In Love And Never Dull.
A.M.E.R.I.C.A - Asian women Make Each Receive Inner Carnal Attraction!
A.U.S.T.R.A.L.I.A. - Always Understanding Someone's True Reality And Loving Innocent Actions.
B.A.N.G.K.O.K. - Buddha Asks Nippon Girls Kindly Open Kimono.
C.A.L.G.A.R.Y. - Crawling Around Long Grass Attracts Rowdy Yaks.
G.E.R.M.A.N.Y. - Great Emotions Remain Maltreated And Noone Yells.
H.O.N.G K.O.N.G. - Hug Only Nice Guys, Kiss Only Naughty Girls.
P.O.L.A.N.D. - Polska Our Love, A New Dream.

meron pa kayo?

Blog EntryGrade 6 + High School SurveyMay 31, '08 10:47 AM
for everyone

Lahat ay galing kay Mademoiselle Janel.


THINK BACK TO your Grade 6 years...

Let's see how much you remember

and how much you regret...

 

1.What section were you?

 [♥] VI - Diamond, Stones kasi ang sections eh.

 

2.Who were your seatmates?

 [♥] Nakalimutan ko na promise. Paiba iba.. kasi nagpapalit ng seating arrangement every grading period.

 

3.Still remember your english teacher?

 [♥] Si Ma'am Imelda Ferrer. Nakita ko siya once sa UP. Pero ako, di niya nakita.

 

4.What was your first class?

 [♥] Filipino. Advisory class kasi eh.

 

5.Last subject?

 [♥] EPP. Ang aking pinaka-paboritong subject [sarcastic]

 

6.Who were your best[classmates]?

 [♥] Best saan? Academically and best as friends.. si Martin.

 

7.Who was your crush?

 [♥]  Si ConCon. Haha.

 

8.Made friends to the lower years?

 [♥] Hindi. Other sections lang.

 

9.Had a boyfriend/girlfriend?

 [♥] NGSB.

 

10.How was your class schedule?

 [♥] Hindi nakakagana. 5 times a week. Pare pareho.

 

11.Made enemies?

 [♥] Hindi. Mabait akong bata.

 

12.Who was your favorite teacher<s>?

 [♥] Si Maam Cauilan. Trainor sa Math eh.

 

13.What sport did you play?

 [♥] Wala. Di ako pala-laro.

 

14.Did you buy your lunch?

 [♥] Sa bahay ako naglulunch. Half day lang kami sa school.

 

15.Were you a party animal?

 [♥] Grabe. 2 lang ang party nung grade 6. Christmas Party at Grad Ball. Di ko pa inattendan yung Grad Ball.


16.Were you well known in your school?

 [♥]  Kilala ka pag Section 1 ka. Promise.

 

17.SKIP CLASSES?

[♥] Hindi. Nasa honors kaya ako.

 

18.Did you get suspended/expelled?

 [♥] Hindi rin.

 

19.Can you sing the alma mater?

 [♥] Wala kaming Alma Mater Song.

--

High School naman.

1. What is your school's name?
Makati Science High School

2. what is your class number?
the lowest was 2. the highest was 6.

3. what is your favorite subject?
calculus at french. haha.

4. where is your classroom located?
1st year- sa third floor. kami ang section na nakahiwalay sa the rest of the freshmen

2nd year- third floor. sa pinakamaliit na classroom sa balat ng maksci.

3rd year - third floor pa rin. sa pinakamalaking classroom naman. kakaiba ang shape nito.

4th year-  4th floor. along with three other rooms

5. who were your favorite teachers?

maam sp, sir job, sir joga

6. least favorite teacher?
secret. clue. values teacher siya. HAHA.

7. least favorite subject?
Values


8. math or science?
math!

9. anung nangyari sa 9? di ko nacopy paste? peste naman.


10. how about your class best friend?
nung 4th year.. si aia. HAHA. pero best friends ko ang filler pals simula nung 3rd year.

11. who are the officers?
paiba iba. bawat subject kasi iba eh. lokohan lagi.

12. were you ever an officer?
from president to escort.. naranasan ko na. except muse. haha.

13. did you get good grades in grade school/high school?
oo. i get good grades

14. where are you planning to go to/where do you go to college?
UPD.

15. do you eat in class?
oo naman.

16. NAME THEM! [from your class]
name them all. ang haba.


17. do you dislike anyone from your class?
wala. i love them all

18. do you like your adviser?
sinong di magmamahal kay sir job?

19. what do you do during your past time?
nakikipag harutan

20. all in all, do you like your class?
oo naman. i love pascal pasteur lavoisier and faraday



Blog EntryI love Torrents!May 29, '08 1:12 PM
for everyone
I love torrents to the extent na nanghihinayang na ako kung wala akong dinadownload na something from it.

So far, nadownload ko ang mga namiss kong episodes ng Survivor at American Idol. Dinadownload ko ang Season 4 ng Desperate Housewives.
Dinadownload ko ang Chuck.
Dodownloadin ko ang Pushing Daisies.
Nadownload ko ang 27 Dresses.
Dodownloadin ko ang Enchanted.

At ang pinakamasaya sa lahat, nadownload ko ang Clue at Spongebob Monopoly.

Sa mga Download junkies.. wag na umasa sa streaming.. torrent na kayo!

Pages:12345
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Chris Vincent All rights reserved.