Carl's posts with tag: chuck
And I am not excited.
Kasi.. base sa mga prof.. This sem will be HELL for me.
May 7:00 class pala ako bukas. Tapos ang uwian ko ay 6:00 pm. Sana naman tamarin pa magklase si Atienza para naman may breaks ako bukas.
~
Natapos ko na pala iDL ang Season 4 ng Desperate Housewives. Kung gusto niyo ng kopya.. bigyan niyo ako ng blank DVD. Buti naman at naaccomplish kong tapusin ang Desperate Housewives ng buong summer. Happy pa rin naman ako at magkasama pa rin sina Mike and Susan next season [although magdidivorce sila eventually]. I just wish na ang kwento nila ay tulad ng kay Gabby at Carlos.
So far, the best ang Tornado Episode nila, saka rin yung Finale. Nakakahanga talaga si Marc Cherry for making a one of a hell great story mula sa mga magkakapitbahay.
~
Tapos ko na ring iDL ang Chuck. Pero di ko pa natatapos panoorin. Itatry kong isa-isahin ang episodes during school nights until matapos ko ito.
~
Then off na ako para panoorin ang mga ipinaburn ko kay Toni. [So far, Juno at The Simpsons Movie pa lang ang napapanood ko dun]. Panonoorin ko rin pala ang Made of Honour na katatapos ko pa lang iDL. At ngayon, matiyaga akong naghihintay sa diniDL ko na Enchanted. Yahoo!
~
Nakakainis na natalo si Robi ng 30k votes laban kay Ejay. I mean, do you want a big winner who doesn't know the No Parking Sign. Alam ko na galing siya sa isla pero tumapak naman siya sa Manila a year ago. Sana man lang, nakapagtanong siya kung ano ang meaning ng sign na ganito and ganyan. Well, Ejay chose to be Ejay.
Win or Lose, It's Robi We Choose! Yahoo! GO Robilievers!
Well. Kulang kasi ng isang episode ang aking Desperate Housewives Season 3 DVD. Buti na lang, 12th episode lang yung kulang tapos 13th episode eh walang audio, at least I can download it using torrents.
~~
Ang isa pang weird eh yung Grey's Anatomy, nalaman kong Season 1 has 9 eps only. Then my DVD has 12. Wow! Anyways, kung sino may DVD ng season 3 dyan.. pahiram naman.
~~
Nashock ako na natapos ko na pala iDL ang episode 5 ng Chuck. 2 episodes ahead na ako sa Philippine TV Showing nito. Yahoo!!
~~
Pansamantalang kinancel ko muna ang pagdiDL ng Pushing Daisies to give way to Desperate Housewives. Di ko kasi naabutan ang premiere nito nung Tuesday. Pero dahil sa aking researching powers, SUPER salamat sa clickthecity.com, napag-alaman kong eto ang replay schedules ng Pushing Daisies sa 2nd Avenue.
| Wednesdays at 2:00:PM on 2nd Avenue Wednesdays at 4:00:AM on 2nd Avenue Tuesdays at 8:00:PM on 2nd Avenue Mondays at 10:00 AM on 2nd Avenue Mondays at 4:00:AM on 2nd Avenue Sundays at 9:00:PM on 2nd Avenue |
Grabe. Ngayon lang kayo siguro nakakita ng taong nagooverlap ang schedules sa panonood ng TV.
~~
May Paradise Hotel pala sa Velvet. Kinaadikan ko ito nung Third Year High School ako nung pinapalabas pa ito sa RPN. Ngayon, nakuha ng Velvet ang rights. Sad to say, kaConflict to ng PBB, pero not for long! Ang replay kasi nito eh Wednesday, 9:00 pm. Ang original schedule nito eh Monday, 1:00 am kaya malabong makapanood ako in that schedule. Matapos lang ang PBB sa June, makakapanood na ako ng Paradise Hotel ng walang conflicts.
~~
Speaking of Conflicts, sa Monday na pala ang Enlistment ng Upperclassmen ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang ibig sabihin lang nito eh matinding dasalan every Friday para makuha ang slots sa mga inaasam naming subject. Good Luck guys!
~~
Naalis pala si Jason Castro sa American Idol. Owell, Rajo Laurel. I want Syesha to be out next para magkaalamanan na ang 2 David kung sino ang mananalo. Kung matira man si Syesha sa finale eh mawawala ang thrill kasi it is obvious na isa sa mga David ang mananalo sa season na ito. As for me, Dcook for the mother fcking win [FTMFW]!
Title: Inspired by Madonna and JT's 4 Minutes.. My LSS.
Sa mga avid fans ng American Idol Posts ko, malamang eh hinanap niyo ang post ko tungkol sa AI last Wednesday and Thursday. Di ko kasi napanood ang American Idol sa kadahilanang nasa probinsya ako at hindi ko kontrolado ang remote control. Mas marami ang nanonood ng Lobo, Dyesebel at Balita kesa sa American Idol kaya nagresort na lang ako sa pagdoDownload ng torrent. Obviously, di pa ko tapos magDL. Pero kung gusto niyo maglabas ng sama ng loob sa napanood niyo last Wednesday at Thursday, libreng libre ang comments box ko. Alam ko naman na si Brooke White ang natanggal kaya pwede niyo na sabihin ang lahat ng hinanakit niyo. Kenneth, sa AI post ko na lang sasabihin ang gusto ko kunin na mp3 files. `` Di ko pa nakukuha ang connector ng DigiCam at Computer kaya di ko pa nauupload ang pictures sa aming Family Trip. Mamayang gabi pa ko manghahalukay sa cabinet ni Mama para sa nasabing gamit. `` Nagawa kong makakuha ng pera para makabili ng season 3 DVD ng Desperate Housewives. Kakatapos ko lang nung episode nung nagbreak si Mike Delfino [James Denton] at Susan Mayer [Teri Hatcher] while Susan was wearing a wedding dress. O diba, ang cool nung scene. Isa ko pang nagustuhan dun eh yung scene switches between Susan and Mike's Love Scene saka yung pagpatay ni Paul Young kay Martha Huber. `` Antagal pa rin magDL ng Chuck. Maaabutan na naman ako ng showing ng Chuck sa C/S.
Tama rin pala si Inay sa pagpigil sa akin sa pagsusummer class. Nakakapag marathon na ako ng DVD tuwing gabi. Sa mga di pa nakakaalam, ang pinagkakaabalahan ko ngayon eh ang manood ng Desperate Housewives at Chuck.
As of this time, nasa Episode 15 pa lang ako ng Season 1. Ang favorite storyline ko ngayon eh yung lovelife ni Susan Mayer (Teri Hatcher) at ni Mike Delfino (James Denton). Dahil nakapanood na ako ng future episodes ng DH, alam ko na magbebreak sila pero magkakabalikan ulit. Haha.
Ang alam ko eh meron si Kim ng Season 3 kaya happy na ako.
Pero ngayon, pinagtitiisan ko ang pagDL ng episode 2 ng Chuck. Ang konti kasi ng seeders at peers. Unlike sa American Idol na 1 oras lang ata eh tapos mo nang idownload. Di na natuloy ang aking project na idownload ang buong Survivor Fiji.
| |