Carl's posts with tag: dreams

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag dreams
The part one was in wordpress, a long long time ago. Click here

Meron na naman akong n-point agenda, where n is the string length of agenda[][].

  1. Ayoko nang si Manny Pacquiao ang Hari ng Pilipinas. I hate him now. Kaya si Willie I [Willie Revillame] na ang magiging hari. Si Valerie Concepcion ang magiging reyna. [na dating reyna rin ni Haring Manny I].
  2. Ikukulong ang mga walang ka PDA-an sa public places. Dapat ay may kayakapan, kalaplapan o kahit kaanuhan AT ALL TIMES.
  3. Gagawin kong C Language ang official language ng Pilipinas. So printf("Anung sey mo dito?"); scanf("%s", &answer); return answer;
  4. Papayagan kong magtago si Britney Spears dito sa Pilipinas para di siya makita ng mga paparazzi.
  5. Lahat ng maniniksik sa MRT ay itutulak palabas at ikukulong sa loob ng isang room na punung puno ng mga taong may Body Odor.
  6. Upang tumaas pa ang ratings ng aking TV Channel na NDSL 26 [network ng mga di-sikat at laos], mamimigay ako ng libreng havaianas sa bawat miyembro ng pamilyang may tv meter. Sikat na sikat na dito si Cj Muere, rising stars sina Joross Gamboa, Sandara Park, LA Lopez at Marc Cortez.
  7. Wala nang gamit ang mga cellphone na may camera dahil lahat ng lugar sa Pilipinas ay may built in camera. Through settings na pwedeng iaccess sa internet, pwede mong i set na pagkakuha ng iyong litrato ay ipapadala na agad ito sa iyong friendster, multiply, usb, cd, floppy disk, laptop or even printed na agad. Isisgaw mo lang ang mga katagang "Picture me, Camera", then poof, it became Koko Crunch.
  8. Karugtong nito ang pagsigaw ng pangalan ng gusto mong ikontak at may bigla na lang magaappear na hologram ng iyong gustong kausapin. Then talk as much as you want. The good thing is, ikaw lang ang makakakita at makakarinig sa kausap mo. Maaari mo pang isilent mode ang boses mo para ang kausap mo lang ang makakarinig sa sinasabi mo.
  9. Ituturo na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo during pre-school. Ang Algebra, Trigonometry, Calculus, Biology, Chemistry, Physics at World Literature during Elementary.

Blog EntryThe Best Grad Speech I have ever read.Mar 28, '08 4:45 AM
for everyone

Kinuha galing kay Katrisha Faye Geronimo Pingol


GRADUATION SPEECH

Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag- aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number na nagsisimula sa 94 at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.

Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang school year lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.

Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating magulang sa pagpapaaral natin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong maka-ahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang paki-alam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng Summa Cum Laude, Best Thesis Award at Leadership Award. Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng "Hung-on-and- managed-to- graduate-despite-nearly- getting-kicked- out-during-his-academic -stay" award.

Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?

Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.

Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong-lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba't kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.

Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na Kaya mo yan, mag-aral ka lang pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?

Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang TAKE 5 NA KO!!! o Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/ etc. Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag- gising niya, kailangan niya na naming ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term. Kahit kalian, hindi naging problema sa Star Student na sabihing Nay, bagsak ako. at hindi kailanman sumagi sa isip nila na paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho? Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.

Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaa-abot sa prestihiyosong posisyon.

Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumpagpak, muntik- muntikanan nang masipa o yung lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas-noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.

Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo naming me patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?

Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag- asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba't titigilan niyo yung pagti- tiyaga ngayon?

Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.

Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.

I ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na na umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na na masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pag-iisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo. Akin ang transcript na ito.

Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako. This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over- achiever, naysayer and detractor that told me that I can t make it. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it s supposed to be the graduate s moment of glory.

You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.

Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.

- JAMES BERNARD C. RODRIGUEZ

Blog EntryChristmas Wish ListDec 20, '07 11:29 AM
for everyone
Listahan ng mga pinapangarap ngayong pasko.

  1. Sapatos - Kabibigay lang kanina ni Nanay at Tatay. Haha. Labyu both.
  2. Headphones - Ang isa ko pa kasing headphones ay ginagamit ng isang babaeng nagngangalang Lea Peralta. Ibalik mo na yun. Hindi ko bday gift sayo yun. Unless may magbigay sakin ng bago. Ibibigay ko na kay Lea yun.
  3. Evaporating Dish - Nabasag ko kasi ang Dish namin sa Chem 16. Kelangan ko ng pamalit.
  4. Memory Card for my mp3 - Malapit na kasi siyang mapuno. Wah. I can't afford one. Buy me one!
  5. Bagong Book ni Dan Brown - Alam kong di pa siya lumalabas. Pero it would be nice kung maibibigay niyo sakin ang manuscript nun. As in tayo pa lang bukod kay Dan Brown at sa printing press niya ang makakabasa nun sa buong mundo. Haha.
  6. Pera - Kailangan ko ng pera. Naging sapatos na nga kasi ang pera ko kaya di na ko makakarecib ng grasya mula sa aking mga magulang.
  7. Trip to Disneyland - Namiss ko na ang Hongkong. Gusto ko bumalik!! Willing ako maging tour guide. I now know HK by heart! Haha.
  8. Global Fun Ticket. - Di ako makakasama sa adventure nila sa GCF sa Dec 28 dahil nasa Dagupan ako nun. Kaya kung sino dyan ang walang makasama sa Global Fun sa mga araw ng Jan 1-2, Jan 5 and so on... Cmon, willing ako!
  9. Black Forest or Banoffi Pie - Wah. Im craving for cakes.
  10. Housing ng Selepono ko - Kawawa talaga siya. May crack na talaga siya sa gitna.
  11. Manalo si Marc and Rovilson sa Amazing Race Asia.

Blog EntryPadre Salvi: The Frustrated DreamerAug 1, '07 9:24 AM
for everyone

[singit] Wah. Nakita namin si Ramon Bautista sa UP Film Institute kanina. Kasama ko si Tim Ang dahil gusto ko sana makanood ng Casa. Star struck kami pareho pagdaan namin sa Hallway. Haha. Sayang, di namin nairecord ang plate number ng kotse niya. Sa dami ng mga artistang nakikita kong pakalat-kalat sa UP, kay Ramon Bautista lang ako na struck. Ewan ko kung bakit. [/singit]

Di ko pinili ng lubusan ang kursong ECE. 2/3 of the decision was made by my Mom. Acually, pinipilit ako ng Dayandante at David Clan na mag doctor na lang. Masyado silang confident sa aking intellectual capacity. Pero napansin naman ni Mama na medyo naisip ko na hindi ko kakayanin magdoctor, kaya she offered me a second decision. Nung sinabi kong I want to try Engineering, sabi niya agad, ECE. Wala naman akong magawa. Nasilaw din ako sa kapalaran ng aking mga ka-angkang inhinyero. Lahat sila eh may tsekot at malaking bahay. Syempre gusto ko din nun.

Pero puteeehk, pagpasok ko ng ECE, tumambad na sa akin agad ng ES1 [Sawa na kayo sa ES1, I won’t elaborate.] May naririnig pa akong stories mula sa aking mga kaklase na 20% lang ng mga tsismosa/o ang nakakaalam kung anung ibig sabihin ng ECE.

Tsismosa: Saan ka nag-aaral?

Ako: Sa UP Diliman po.

Tsismosa: Wow! [expected kong sasabihin niya] Anu course mo?

Ako: ECE po.

Tsismosa: Anu yon?

The only course they said that is the most related to ECE was Electrical Engineering. Kwento ng blockmate ko, ang sabi daw ng friend niya, Chemical Engg daw ang ECE. Wah. Chem16 lang ang natatangi naming Chemistry. Feeling ko, siya rin yata yung nagsabi na madali lang ang ES [Environmental Science pala yun sa kanila, sauce!]

Upang tapusin ang pag mumukmok ko about ECE, iseshare ko sa inyo ang aking views about imagining myself in another jobs. Dream Jobs, ika nga. Eto ang aking Top 3 Dream Jobs:

  1. Yoga Instructor - Inspired na inspired mula kay Aras Baskauskas, ang Survivor: Exile Island Sole Survivor. Ang cool lang kasi ng lifestyle niya. You earn a living while relaxing. Kahit donation basis lang ang kinikita nila, mapipilitan naman ang mga customer [especially matronas] na magbigay ng malaking amount. Dapat lang na bayaran ka nila, nilasap nila ng tingin ang iyong uber sexy body eh.Cool din kapag tinanong ako ng kung sinong tsismosa dyan, “Anung trabaho mo?”. Syempre isasagot ko, “Yoga Instructor”. Nosebleed sila after.

  2. Print Ad Model - Pwede kong ipang sideline kung Yoga Instructor ako. Kapag tinanong na ako ngayon, ang isasagot ko, “Yoga Instructor-slash-Model”. Bloodshed level na to. Usually naman, lahat ng instructor ng Yoga eh sexy. Tapos lalabas ka sa Cosmo etc. with my uber cool pose. Naks! Sikat na ko! Pag-aagawan ako ng Bench, Penshoppe, Levis, Wrangler, Oxygen at Human. Haha. Pero kung ako tatanungin, I would like to sport out a Suit Attire. Cool lang talaga siya.

  3. Pulis/Detective - Gusto ko ung mala-CSI na trabaho. [In our case, SOCO]. Astig nga yung bababa ka sa Santolan Station ng MRT [The MOST interactive station in MRT] tapos naka police attire ka. You somewhat create a sense of authority towards the people around you. Cool din yung blue uniform minus the super beer belly.

  4. Film/TV Director - Kakapanood ko pa lang ng On the Lot kanina. I was truly inspired by their works [Obvious naman na hindi ako mahilig maglagay ng short films nila dito]. Nako, kung mas creative lang ang mind ko, at hindi problema financially ang pag-aaral ko ng film. Haha, may solusyon ngayon dyan sa problema ko. Take Film10! Haha.

  5. Disneyland Crew Member - Kelangan talaga DISNEYLAND eh. Ewan ko. Dun ako nag-enjoy sa Hongkong Trip namin last year. Cool kaya yung uniform nila. Saka ang kyut nila mag-English. Hindi lang naman sa HK Disneyland gusto kong magtrabaho. Pwede rin sa Tokyo, LA etc. Pede rin naman sa Universal Studios [One of the firsts in my itinerary the moment na yumaman na ako] Basta, OK lang sakin yung taga assist ng seatbelt ng mga bata. Wala lang.

  6. Hero - Hindi yung hero na tipong Jose Rizal. Yung hero na may helix gene! As in Hiro Nakamura. Napag-isip isipan ko na ang magiging power ko. Dahil bawal ang magkaparehong powers sa mga Heroes, ang magiging power ko ay Vision-related. [e.g  Adjustable X-ray Vision, 360 Degree Sight, Telescopic eyes at Microscopic eyes.] O diba, uber astig?

  7. Steward - Kung gaano ako nag-enjoy sa Disneyland, ganun din ako nag-enjoy sa Eroplano. Makaka travel ka into different places at binabayaran ka pa. Cool din ang pagpapalit nila ng costume every 15 minutes. [Oo, 2 hrs lang ang flight pero naka ilang palit sila ng costumes].


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Chris Vincent All rights reserved.