Carl's posts with tag: emo

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag emo
Blog EntryPara sa aking 'Pudgy'^Feb 15, '08 9:12 AM
for everyone
Graduation na yata nung huli kitang makita.

Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa buhay mo. Nakalimutan ko na kasi ang number ng cellphone mo. Ayaw ko namang itanong kasi paghihinalaan nila ako. At saka wala naman talaga akong sasabihin sa iyo kung sakali. Kahit sa cellphone ay natotorpe pa rin ako.

Sori nga pala dahil inatake ako ng sakit kong iyon nung mga huling araw tayong nagkasama. Di tulad noong mga araw na magkasabay lagi tayo sa jeep. Lahat na naikwento ko sa iyo. Tawa ka pa ng tawa. Namimiss ko iyon. Magkalapit pala ang mga bahay natin. Maghihiwalay lang tayo dun sa traysikelan. Naaalala ko pa nung sinabi mo sa akin kung gaano kalayo ang bahay niyo mula sa amin. Anim na raang dipa, sabi mo.

Naaalala ko rin noon, pumasok tayo sa tindahan. Pinipilit ako nung tindera na ilibre kita. Tutal naman daw, girlfriend kita. Ewan ko ba nun sa tindera. Ngumiti ako. Di na kita tiningnan. Itinatago ko ang namumula kong mukha sa iyo.

Isa pa pala. First Dance kita nung Prom. Siguro galit ka na noon sa akin. Pero salamat at pinagbigyan mo ang makulit na may crush sayo noon. Ang ganda mo pala noon. Di ko nasabi.

Kapag bumababa ako ng jeep doon sa may traysikelan. Tumitingin ako sa dinadaanan mo papunta sa iyong bahay. Wala ka.

Sakaling makita kita muli, ibabalik ko ang dati nating pagsasama. Yung pinakauna. Yung sandaling nakita kita sa jeep na sinasakyan ko. Nung tumawa tayo nang matagal na ibinalik ang sukli ko sa jeep. Nung may butas na t-shirt ang lalaking nasa harapan natin. Nung umuulan ng malakas. Nung nadapa ka sa overpass kasama ako.

Pero hindi na noong oras na nailang ako sa iyo. Yung dating tayo. Yung tinext mo sa akin dati. Super Friends.

* isang malikhaing pagsulat. hindi masasabing nanggaling sa totoong buhay. nagmula lang ito sa magulong isip ng nagsulat.

^ Pudgy - nickname ni Bianca Gonzalez noong PBB.

Blog EntryValentine's DayFeb 14, '08 12:03 PM
for everyone
Ngayong araw, andaming:

Text Messages - tinopak pa ang Globe dahil dito.
Flowers - ngunit wala namang nakakaamoy sa bango ng mga ito.
Chocolates - na nakakasira ng ngipin.
Teddy Bears, rings, accessories, soaps, pillows, perfumes - na kulay red or pink or mukhang sweet.
Cookies, brownies - na ubod ng mahal.
Mga Emo na tao - nagpapakalat ng love quotes.
Kumakanta ng love songs - on the good side, nagpapaaliwalas ng surroundings.
Mga Bitter na tao - duh.
and many more.

Valentine's Day.
14 ng Pebrero kada taon.

Ito pala ang araw ng sacred marriage nina Zeus at Hera [Juno at Jupiter kung maka-Roman mythology kayo]. Dati pala, in Roman times, may festival na nagaganap kung saan ang mga pangalan ng mga babae ay inilalagay sa isang jar then bubunot ang mga lalaki kung sino ang magiging partner nila sa festival na yun. Some partnerships even last a lifetime.

Pero kung bakit Valentine's Day ang tawag sa araw na ito ay walang kasing obvious na dedicated ito kay St. Valentine. Itinalaga ni Pope Gelasius ang Feb 14 bilang Valentine's Day para parangalan ang martir na ito. Ang kwento kasi, pinacancel ni Emperor Claudius ang lahat ng kasalan sa town, then Valentine, a priest, secretly married them. [bitter si Claudius. Joke] Kasi, wala nang marecruit si Claudius na mga sundalo at sinisisi niya ito sa pagpapakasal ng mga lalaki.

VDay is a state of Emergency. People are self-destructing now. Dangerous lapitan ang bawat isa. The end.

~~

TV Tidbits
  • Amazing Race Asia - Kabadtrip. 3rd lang sina M/R.
  • American Idol - Top 12 Boys on Wednesday!
  • Survivor - Ozzy and Amanda!! Woohoo!
  • Big Brother 9 [US] now up.

Blog EntryMabuhay ang mga di pinayagang mag UP Fair!Feb 11, '08 7:32 AM
for everyone
Haha. Di ako pinayagang mag-overnight at makipag rakrakan sa UP this week. Ang problema kasi, lagi akong humihingi ng permisong makapunta sa isang concert. Sasabihin nilang puro pasarap lang daw ang gusto ko then hindi ako papayagan. Ang totoo nyan ay never pa akong nakapunta sa isang rock concert. Diba ang saya ng college life ko ngayon?

Anyways, nagpagupit na pala ako. Naguguluhan na kasi ako sa aking Jonas Brothers na buhok kaya ipinagupit ko na ito sa barbero. Abangan bukas...

Busy busyhan lang ako ngayon sa school. Kaya hindi ako masyadong nakakaupdate.

Blog EntryThe Emo.Feb 8, '08 9:06 AM
for everyone
Haha. Marami ang nashock.

Marami ang nagreact [Joke. 5 lang]

Pero sakin pa rin mangagaling ang totoong dahilan.

Anu nga ba ang aking pagku-quitan.

Saan ako hindi belong?

Haha. Tama si Erwin. This is nothing but a pautot.

Nagmumukha na kasi akong di kaseryo seryoso.

Tinatry ko lang kung anu ang reaction kapag bigla akong nag-emo-emohan.

Di to tungkol sa org [I lab Circuit. Nakaplano pa nga ang susuutin ko for the Hell Week. Saka malakas ang hatak ng mga 07 sakin. Kamon. Defer? Haha. Excited pa nga akong umiyak sa interview eh.]

Di to tungkol sa pagibig [wala akong girlfriend or anything. pero iba talaga ako pag mainlove. nandyan ang filler pals to prove that. at patuloy nilang pinapaalala sakin ang mga iyon. shet. february na pala.]

Di to tungkol sa kahit ano.

The end. Haha.

Blog EntrySo SadFeb 6, '08 10:05 AM
for everyone
I am not happy right now.

I don't feel the belongness.

I hate that feeling.

I should quit.

Shall I?

Yes.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Chris Vincent All rights reserved.