Sa September na nga ang Volume 3 ng Heroes.. at naspoil na ako sa first episode.
Nakakainis naman kasi. Hindi mo talaga mapipigilan ang iyong sarili sa spoilers na kakalat kalat sa internet. Ang masasabi ko lang, kung totoo nga ang spoilers na nabasa ko.. eh super ganda ng Volume 3 ng Heroes.
Sa mga hindi nanonood ng Heroes, may 2 months pa kayo para maghabol. The best talaga ang show na to.
Dahil trip ko, magbibigay ako ng DALAWANG spoiler.
Ang bumaril kay Nathan nung nagsalita siya eh si Future Peter.Makukuha ni Sylar ang powers ni Claire, pero di mamamatay si Claire. Medyo malalaman na natin kung paano kinukuha ni Sylar ang powers ng ibang tao.