Carl's posts with tag: idol
Naspoil na rin naman ako. alam ko na David vs David na sa Finale. Or should I say, Cook vs Archuleta. Everyone has their bets on who will win the 7th season of American Idol. Syempre, maka-Cook ako. Performance-wise, I think David Cook will crush Archuleta. Why? Recently, na-ban ang tatay ni Archuleta sa rehearsals dahil sa walang sawa niyang suporta para sa anak niya. Nakita nga naman natin ang resulta ng "move" na ito. "With You" was a disaster. Because it was his own choice. Na-ban si Daddy Archuleta dahil gusto daw ng Idol na maging fair sa ibang contestants who doesn't have anyone to discuss their arrangements. Tsk Tsk Tsk. Ngayon pa naalis si Daddy Archuleta kung saan ito na ang pinakaimportanteng performance niya sa balat ng Idol. Baka naman kasi daw na pepressure na si David sa mga "suggestions" ng tatay niya. Makakabuti din naman kay David A na alisin ang puppet strings sa kanyang likod at gumalaw ng mag-isa. So long for Daddy/Puppeteer Archuleta. Siya nga pala, dahil naalis si Amy Davis, Danny Noriega, Amanda Overmyer, Chikezie, Kristy Lee Cook, Brooke White at Jason Castro. Ang bet ng Vote For The Worst ngayon ay walang iba kung hindi si....
Top 4 Performances. Game! 4 Jason CastroSang: I Shot The Sheriff by Bob Marley and Mr Tambourine Man by Bob DylanKahit bet ko siya, kelangan na niyang umalis. Ang bagay lang sa kanya eh mga mellow songs. Di para sa kanya ang genre na ito. 3 Syesha MercadoSang: Proud Mary by Creedence Clearwater Revival and A Change is Gonna Come by Sam CookeKelangan na niyang magpalit ng Deodorant dahil sinusunog na nito ang underarms niya. Haha. Ang unfair ng comment ni Randy dun sa ikalawang song niya dahil ang ganda naman nung pagkakakanta niya. 2
David Cook Sang: Hungry Like The Wolf by Duran Duran and Baba O'Riley by The Who
Ang akala ko eh week niya ito. Natalo siya ni Little Archuleta. Ang nagpababa lang sa akin ng rating ni David eh dahil dun sa unang kanta. He nailed the second one naman.
1
David Archuleta Sang: Stand By Me by Ben King and Love Me Tender by Elvis Presley
Naalala ko tuloy si Josiah Leming dahil dito. He nailed the two songs kaya no doubt na siya ang number 1 sa listahan ko.
Nanonood ako ng Desperate Housewives sa Star World kanina. Nung hinalikan na ni Susan Mayer si Mike Delfino, eh bigla na lang may kumalabog sa labas ng bahay namin. Pagtingin ko sa bintana, may Ale nang naiinis at tinitingnan ang yerong super laki sa tabi niya. Kulay green ito kaya nalaman ko na agad na sa amin nanggaling ang yerong iyon. Wala kaming yero sa bahay. Gawa sa bato ang bahay namin. Kung iGoogle Map mo ang lugar namin, makikita mo lang ang isang rooftop na puro halaman at may basketball court. Kung nagtataka kayo kung bakit samin nanggaling ang yero, si Inay at Itay kasi ay nagdesisyong iRenovate ang bahay namin. Pinalawak nila ang sala namin. Kinuha nila ang dati kong kwarto at inilipat ako sa Third Floor, kung saan ako nakaupo at nagCocomputer ngayong mga oras na ito.
Hinahanap niyo pa rin ang storya ng yero? Pagkatapos kasi ipaRenovate ang aming sala, itinuloy na nila ang renovation sa Third Floor at Fourth Floor. Ang Third Floor na dati naming Balcony eh nilipat na sa Fourth Floor, para maging Balcony-slash-Basketball Court ng Mag-aamang Dayandante. Lalagyan nila ng yero ang Third Floor para mas cool daw ang paglalaba ni Inay at hindi na siya maglalaba tuwing gabi.
Habang inaayos nga nila ang bubong ng aming Third Floor, nahulog nga ang yero. At may nagsimulang magalit. Pagtingin ko sa labas ay nagmistulang Wisteria Lane ang street namin at nakatingin lahat sa tapat ng kapitbahay kung saan nahulog ang yero. NagSorry na lang si Itay sa kapitbahay at sinabing aksidente lang ang nangyari. Lagot tuloy ang mga alagad ni Don Facundo [ang boss ng mga gumagawa sa bahay namin] sa kapitbahay namin. Buti nga at wala ang bagong kotse ni Kumpare na nakapark lagi sa eksaktong lugar ng pinagbagsakan ng yero. May kasabay pa rin si Itay na maglinis ng Crosswind namin tuwing umaga.
~
Binigyan ako ng isang daan ni Inay!! May pambili na ako ng Desperate Housewives Season 3 + Grey's Anatomy. Episode 14 pa lang ang season 4. Maihahabol ko yan sa torrents! Woohoo!
~
For the sake of my religious post about AI. Eto ang aking rankings sa mga singers last week.
5 Brooke White
4 Jason Castro
3 Syesha Mercado
2 David Archuleta
1 David Cook
May pagpipiyestahan na naman ang the Soup. Haha. Nabangag lang si Paula nung episode na iyon. Pareho na silang may "tama" ni Jason Castro.
Title: Inspired by Madonna and JT's 4 Minutes.. My LSS.
Sa mga avid fans ng American Idol Posts ko, malamang eh hinanap niyo ang post ko tungkol sa AI last Wednesday and Thursday. Di ko kasi napanood ang American Idol sa kadahilanang nasa probinsya ako at hindi ko kontrolado ang remote control. Mas marami ang nanonood ng Lobo, Dyesebel at Balita kesa sa American Idol kaya nagresort na lang ako sa pagdoDownload ng torrent. Obviously, di pa ko tapos magDL. Pero kung gusto niyo maglabas ng sama ng loob sa napanood niyo last Wednesday at Thursday, libreng libre ang comments box ko. Alam ko naman na si Brooke White ang natanggal kaya pwede niyo na sabihin ang lahat ng hinanakit niyo. Kenneth, sa AI post ko na lang sasabihin ang gusto ko kunin na mp3 files. `` Di ko pa nakukuha ang connector ng DigiCam at Computer kaya di ko pa nauupload ang pictures sa aming Family Trip. Mamayang gabi pa ko manghahalukay sa cabinet ni Mama para sa nasabing gamit. `` Nagawa kong makakuha ng pera para makabili ng season 3 DVD ng Desperate Housewives. Kakatapos ko lang nung episode nung nagbreak si Mike Delfino [James Denton] at Susan Mayer [Teri Hatcher] while Susan was wearing a wedding dress. O diba, ang cool nung scene. Isa ko pang nagustuhan dun eh yung scene switches between Susan and Mike's Love Scene saka yung pagpatay ni Paul Young kay Martha Huber. `` Antagal pa rin magDL ng Chuck. Maaabutan na naman ako ng showing ng Chuck sa C/S.
Tama ba namang bottom 2 si Syesha at Carly. I think they have sang a great performance. They don't deserve to be eliminated at this ti me. Ang ating isang hinuha ay nadisprove..[The Boy-Girl pattern] Pero ang isa pa ay nagpapatuloy pa rin.. 1st week - Syesha Mercado - Bottom 3 2nd week - Amanda Overmyer - Eliminated 3rd week - Ramiele Malubay - Safe 4th week - Brooke White - Bottom 3 5th week - Michael Johns - Eliminated 6th week - David Archuleta - Safe 7th week - Syesha Mercado - Bottom 3/Bottom 2 8th week - ? - Eliminated - kawawa naman to.. [I strongly feel na si DCook ang first performer next week kaya madidisprove na to] -- Support Robeaut pala. Dahil nakakaumay na ang NicoSef.
Game na.
6
Jason Castro Sang: Memory from Cats
Di talaga bagay sa kanya ang broadway. Swerte niya kung makalagpas man siya sa week na ito. Gwapo votes na lang siguro ang makukuha niya.
5
Brooke White Sang: You Must Love Me from Evita
Kinabahan ako nung pinaulit niya yung kanta. Sympathy votes naman ang makukuha ni Brooke ngayon. Its either Brooke or Jason this week.
4
David Archuleta Sang: Think of Me from The Phantom of the Opera
Pareho kami ng rason ni Simon. Feel ko na ito ang weakest performance niya.
3
Carly Smithson Sang: Superstar from Jesus Christ Superstar
Sa wakas, nagustuhan ko na rin ang performance ni Carly. Nagamit niya ng maayos ang kanyang vocal power.
2
David Cook Sang: The Music of the Night from The Phantom of The Opera
Pati Broadway ay kaya niya. This guy deserves to win. Andami niyang pwedeng pasukan na genre.
1
Syesha Mercado Sang: One Rock & Roll Too Many from Starlight Express
Akala ko naman kung anu ang spelling ng "Many" sa kantang ito. "Minet" "Miney" etc. Tapos many lang pala. Theatrical talaga ang performance niya ngayon. Talagang nakangiti ako all through out her performance. Alam na natin kung saan natin makikita si Syesha pagtapos ng Idol. It is her best performance this season.
~~
Kenneth, gusto ko nung kay Cook at kay Syesha ha. Salamat.
Mariah Carey. Si Kenneth lang ang naramdaman kong naexcite sa show na ito. Di ko naman kasi favorite si Mariah.
7 Brooke WhiteSang: HeroMasyado syang kinakabahan I think. Nawawala siya sa timing. Not a great perf from Brooke. 6 Carly SmithsonSang: Ken Lee [Without You, haha]It was OK for me. Nakukulangan ako ng something. Siguro dahil ayaw niyang matulad yung version niya kay Mariah, kaya naman hindi niya napaganda pa ang kanta. 5 Syesha MercadoSang: VanishingKahit napakagaling nyang kumanta, ayaw ko sa kanya. Maganda ang pagkakanta ni Syesha. 4 Kristy Lee CookSang: ForeverDi man nagustuhan ng mga judges, gusto ko yung performance ni KCook ngayon. Ewan ko kung bakit. 3 David ArchuletaSang: When You BelieveKahit super napuri siya, 3rd ko lang siya. Ang akala ko pa nga eh maookray siya ng judges. But it turned out to be a very good performance. Kapag una nga kasi, di mo alam kung maganda o pangit ang performance niya. Compared to other performances, nadaig niya ang mga girls. 2 Jason CastroSang: I Don't Wanna CryAnsarap na pampatulog ang mga kanta ni Jason Castro. Lalo na ngayong gumagaling na siya. 1 David CookSang: Always Be My BabySuper glued yung eyes ko sa TV nung performance niya. Etong performance niya na ito ang basehan na siya ang mananalo sa AI.
Talaga nga namang na-shock ako nung sinabing si Michael Johns ang na-out. Ang isip ko kasi eh si Carly or Syesha na ang matatanggal pero poof, it became Koko Crunch. Gusto ko pa naman ang Dream On niya. actually malapit na siyang mapasali sa bets ko pero wala na.. wala na siya. Alam ko namang maaalis siya at some point [maybe kapag 6 na sila or less]. Di ko naman masisi si Kristy Lee Cook kasi ang galing galing niya nung night na yun
Wait lang. May trend akong nakikita.
1st week - David Hernandez - BOY? 2nd week - Amanda Overmyer - Girl 3rd week - Chikezie - Boy 4th week - Ramiele Malubay - Girl 5th week - Michael Johns - Boy 6th week - ? - Girl
Alam niyo ba na kung sino ang first performer.. [almost] laging nalalagay sa alanganin.
1st week - Syesha Mercado - Bottom 3 2nd week - Amanda Overmyer - Eliminated 3rd week - Ramiele Malubay - Safe 4th week - Brooke White - Bottom 3 5th week - Michael Johns - Eliminated 6th week - ? - Safe 7th week - ? - Bottom 3 8th week - ? - Eliminated
--
Wala lang. May Survivor Philippines pala sa GMA. Ang masasabi ko lang, lagot sila sa Pinoy Audience. Pinalaki tayo ng Philippine TV ng ayaw sa kontrabida. Tapos gagawa sila ng show kung saan ang kontrabida ang laging nananalo. Hindi kaya ng pusong pinoy ang backstabbing ng harap-harapan. Tingnan mo nga naman itong si Wendy. Kinamuhian na ng tao dahil sa pang-aaway niya. Cmon, normal lang ang ganitong mga pangyayari sa Survivor. Fans at open-minded persons lang ang makakaintindi ng larong ito. Ang corny naman kung taumbayan ang magdedecide kung sino ang maaalis.
Honestly, natutuwa ako sa show na to ng GMA. Naeexcite na nga ako kung sino ang kauna unahang Pinoy Castaways. Nahuhulaan ko na si Paolo Bediones ang maghohost nito. Sana may gumawa ng Pinoy Amazing Race. Dun ako sasali. Sino gustong partner ko?
--
Eviction na mamaya. Hindi na si Linda ang gusto kong maalis, kundi si Priscilla.
Kung napanood niyo yung episode kahapon, diba walang kwenta? Jolas Day kasi kahapon. Tawa lang ako ng tawa habang umiiyak siya.
My Fearless Forecast kung sino ang manonominate bukas:
Kevin Beauty Josef
[nyak, mahihirapan ang taumbayan magdecide nyan]
Mukhang mahirap na pumili ng ilalaglag ngayon. Pero kailangan.
8
Carly Smithson Sang: The Show Must Go On by Queen
I love Queen but I hate her performance. Ilang beses ko na ring nasabi na she has great vocals pero lagi akong nakukulangan sa kanya. Hindi ko alam kung ano iyon.
7
Syesha Mercado Sang: I Believe by Fantasia
Patay si Syesha dahil hindi maganda ang comments niya sa performance na ito. At isa pa, favorite ng mga tao si Fantasia. Advice: Wag kakanta ng hit song ng isang American Idol Alumni. Dangerous.
6
David Cook Sang: Innocent by Our Lady Piece
Di ko nagets kung ano ang kanta niya. Nandun ang charisma niya na visible in his performances pero ampangit ng kanta. Ang corny din nung "Give Back" chever niya. Eto ang pinakaayaw kong performance niya throughout the show.
5
Kristy Lee Cook Sang: Anyway by Martina McBride
Dahil country ulit ito, maganda na naman ang performance niya. Clap Clap for Kristy!
4
Brooke White Sang: You've Got A Friend by Carole King
Sumabay akong nakikanta. It was heartfelt but not "jumping-up-and-down-on-my-seat" performance. It was Ok, It was alright. Dawg. Haha [Sinaniban ni Randy Jackson]
3
Michael Johns Sang: Dream On by Aerosmith
Wow. Bumabawi si Michael Johns ngayon!! I love his performance. Kahit naiirita pa rin ako sa galaw ng katawan niya, gusto ko ang performances niya ngayon.
2
David Archuleta Sang: Angels by Robbie Williams
Napansin ko lang, kakaiba maglakad si Chulets. Parang pa-kuba or something. Nagustuhan ko rin ang performance niya ngayon. Mag-piano na lang siya lagi para mukha siyang star.
1
Jason Castro Sang: Over the Rainbow by Israel Kamakawiwoʻole
The best ang ukelele. Grabe, lakas bumawi ni Jason Castro. Ang curse niya ata eh si Ramiele Malubay eh. Eto na ang the best performance niya para sa akin. Nung malaman kong Over the Rainbow ang kakantahin niya, nag-alala ako. Pero super ganda pala ng version na gagawin niya. FANTASTIC.
Sa mga unang nakabasa ng post ko, ang una kong hula sa bottom 3 ay sina Carly, Syesha at Ramiele. Ineliminate ko pa si Carly. Napag-alaman kong sa first instinct na lang ako dapat umasa, dahil yun ang laging tama. Haha.
Bottom 3
Ramiele Malubay - Eliminated Kristy Lee Cook Brooke White
My Bottom 3
Ramiele Malubay - Eliminated Brooke White Jason Castro
Haha. I should really trust my instincts.
--
Idol Gives Back pala next week. Which means, probable na walang elimination, pero 2 ang maaalis the following week.
--
Updates sa PBB
- May task si Josef at Beauty [at isinama nila si Kevin at Jieriel] na may kinalaman daw sa First Eviction Night ng mga guardians. Dating opponent ako ng Guardians idea pero ngayon, isa na akong proponent. Haha. Bet ko maalis na ang tita ni Valerie dahil di ko man lang siya napansin ngayong linggo.
- Wee! May bagong loveteam. Go Robi-Nicole.
- Nabinyagan na itong si Alex! Pero may isa pa raw na hm na hindi pa tuli. I am 90% sure na si Kevin iyon. Advice ko sa kanya, wag na magpatuli. Di naman kailangan eh.
-- The best ang Pong Pong Galapong. Haha.
 | AI Post | Apr 2, '08 11:04 AM for everyone |
Haha. Irarank ko na naman ang performances ng mga Idols. 9
Ramiele Malubay Sang: Do I Ever Cross Your Mind
Wah. Nadidisappoint na ako kay Ramiele. Wala pa siyang magandang performance in 4 weeks.
8
Brooke White Sang: Jolene
Kasing jologs ni Jolina ang performance na ito! Joke. Maganda naman siya, pero not enough to impress me.
7
Jason Castro Sang: Travelin' Thru
Magagaling na masyado ang mga natitirang singers ngayon. Kahit maganda ang performance ni Jason para sa akin, nalamangan pa siya ng iba.
6
Carly Smithson Sang: Here You Come Again
Lagot. Na-criticize na naman ni Simon. Naipamalas na naman niya ang power vocals niya kaya maganda ang naging resulta nito.
5
Syesha Mercado Sang: I Will Always Love You
Naantig ako sa kanta niya kanina. Tapos biglang sumagi sa isip ko na.. cmon.. I heard that version many times already. Pero nagustuhan ko pa rin naman.
4
David Cook Sang: Little Sparrow
Ewan ko ba kung bakit hindi pa rin nagnunumber 1 sa list ko [nung top 12 na sila] si David Cook. Kahit maganda ang performances niya, lagi kasing may mas maganda pa for me. Magtatagal pa naman siya sa competition. Makakabawi rin siya sakin.
3
Kristy Lee Cook Sang: Coat of Many Colors
Haha. Buti na lang, nasave siya nung Beatles Week. Wala sanang country girl ngayon.
2
Michael Johns Sang: It's All Wrong But It's All Right
It's all right, mehn. Swerte talaga si Michael Johns kapag siya ang last performer. Haha. Nabeat na naman niya si David Cook ngayon [IMO of course].
1
David Archuleta Sang: Smoky Mountain Memories
Ngayon ko lang napansin kung bakit Gaspchuleta ang tawag sa kanya. Haha. Naantig na naman ako sa kanta niya ngayon. Napatunganga. Napatahimik. The Best.
~~
Haha. Inalis ko na yung hula ko sa bottom 3. Kasi tama na pala ako sa 2 out of 3 in the first place.
Chulets
Gumana na naman ang psychic powers ko. Naalis si Chikezie.
My Bottom Three
Jason Castro Ramiele Malubay Chikezie
The Bottom Three
Jason Castro Syesha Mercado Chikezie
Dolly Parton pala next week. Ang corny.
Lutang pa rin ang issue ng prom date ni Chulets, na siya namang kinatatampururutan ni Melai. Actually, ang akala ko eh ate yun ni Chulets kaya keri lang. Pero nung tinext sa akin ni Melai na si Prom Date pala yun at napanood ko for the second time, wala akong nasabi.
Melai, hindi makakaattend ng prom si Chulets. Kelan ba nagpoprom sa America??
CHANGE, Medyo yumayabang na si Mister Cook. Wa naman akong ma-say kasi magaling naman siya. Pero sana alisin lang niya yung medyo cocky attitude. Ayaw ni Simon sa ganun.
Speaking of Simon, isa na sa favortie personalities ko si Simon Cowell. Along with Donald Trump.
~~
Iloks
After 4 days, nakakatuwa ang loob ng bahay ni Kuya.
Nafifeel ko lang na hindi masyadong cooperative si Yowsef sa BBF task. Si Rowbee naman ay tulala at iniisip ang graduation nila sa Sunday. Haha. Nafifeel ko [ulit] na magugutom sila next week.
Haha. Dahil adik ako, nagfoforums ako araw araw. FYI, nakaka 20 pages per 12 hours ang forums ng PBB Teen Edition, kaya ang hirap makasunod sa flaw.
Simula pa lang eh andami na nilang loveteam prospects. Tulad ng Robi - Nicole. Para sa mga frustrated Kim - Mikee fans ang fanclub nito. Pero hindi pa ako kasali dun. [Sa Nicolettes at sa Robi Fans lang ako kasali.. joke]
Marami akong nakitang nakakatawa sa forums. Eto examples:
Loveteams:
Nan + Rona --> NanNa. Beauty + Kevin --> BeautyKe Ejay + Nicole --> EjayCole.
Haha. Eto pa.. Kasi, prospect ng forumers na may dadagdag pa sa original 14 housemates. Eto raw yung mga titles ng mga dadagdag na teens.
Baluga Babe ng Catbalogan Girl Magtutulak ng Tarlac Laman ng Inidoro ng Mindoro Teenage Kalansay ng Pasay Amboy Aeta ng Pasay Batang Snatcher ng Batangas Pier Basang Sisiw ng Liliw Mukhang Bangkay ng Matabungkay Basketball Hunk na may B.O. ng Olongapo Beauty Queen na Ututin ng Maasin Machong Kikay ng Majayjay Boy Lintik ng Subic Ex-GMA Network Teen Star ng Carcar Gamol ng Bohol Rugby Boy ng TIngloy Burarang bata ng Muntinlupa Walang Kaibigan ng Vigan Sexing Bobita ng Puerto Princesa Teenage Grandma ng Nueva Ecija Lampang Lantutay ng Taytay Batang Mukhang Pusod ng Pagudpod (ANAK SA LABAS NI CRISTY FERMIN AT RODERICK PAULATE)
Haha. Amusing.
Dagdag. Tawa ako ng tawa sa smiley faces, covering Beauty's armpits. Haha. As in talagang smileys eh. Haha. Haha. Haha.
Haha. Eto na nanaman tayo sa isang kapana-panabik na AI post. Mga pips! Wala lang. Game na. Napasmile na ako ng mga performances ng Idols ngayon.
10
Chikezie Sang: If Only For One Night by Luther Vandross
Sabi nga ni Simon, it was boring, oldish, cheesy. In my opinion, ayos naman ang pagkakanta niya. Ayaw ko lang sa kanta and the style. Walang tumatak sa akin.
9
Jason Castro Sang: Fragile by Sting
Ok na itong performance na ito, pero naungusan siya ng karamihan sa mga Idols. Akala ko pa naman, the best na ito kasi hawak na ulit niya ang gitara niya.
8
Ramiele Malubay Sang: Alone by Heart
Sumisigaw na kasi siya dun sa Chorus Part. Pero OK yung simula niya, nakakaattract ng attention. Akala ko, maganda na ang performance niya ngayon eh. Pero tama si Simon, makakapasok pa rin siya sa next round.
7
Carly Smithson Sang: Total Eclipse of the Heart by Bonnie Tyler
Mas gusto ko pa ang version ni Jessica Sierra ng kantang to. Pero, she has undeniably great vocals.
6
Brooke White Sang: Every Breath You Take by The Police
Lesson: Hindi lahat ng ginagamitan ng piano ay isang great performance. Kinabahan ako nung nagkamali siya, pero nabawi niya yun nung inulit niya. Pero nadisappoint ulit ako nung sa gitna ng kanta. Better than her performance last week, though.
5
David Archuleta Sang: You're the Voice by Robert Foster and Jeff Pescetto
Una muna, alam ko na ang icocomment ni Melai dito. AMPANGIT NG PROM DATE NIYA. Haha. Yun ang naging malas niya sa performance niya na ito. Hindi ko alam ang kantang kinanta niya. Hindi rin masyadong stellar ang performance niya.
4
Syesha Mercado Sang: If I Were Your Woman by Stephanie Mills
Haha. Maganda naman ang performance niya. Tulad ng dati. I agree with Simon on her being the Dark Horse.
3
Kristy Lee Cook Sang: God Bless the USA
Magagalit ako kung ngayong week pa siya maaalis. Naisip ko na bagay na bagay siya sa mga Star Spangled Banners and Amazing Graces. Basta yung mga heartwarming songs.
2
David Cook Sang: Billie Jean by Michael Jackson
Naging number 2 lang siya sakin kasi ayoko ng Michael Jackson songs. Pero grabe na ang originality nitong mokong na ito. Sana siya ang unang rocker na manalo sa American Idol.
1
Michael Johns Sang: We are the Champions and We Will Rock You by Queen
Simula pa lang ng song, siya na ang number 1 ko. Una, love ko ang Queen. Pangalawa, medyo natalo niya si David Cook sa gabing ito. At huli, bagay na bagay sa kanya ang Queen Songs.
~~
Abangan ang AI Elimination post + PBB post ko bukas.
Eto na naman ang aking weekly post tungkol sa AI, kung saan irarank ko ang performances ng ating idols at huhulaan ko kung sino ang bottom 3. GAME!
11
Amanda Lindsay Overmyer Sang: Back in the USSR
Gruntful na lagi ang lahat ng songs niya. Nagsasawa na ako talaga.
10
Kristy Lee Cook Sang: You've Got to Hide Your Love Away
Mas maganda ang performance na ito kaysa last week. Pero amboring niya sa gitna. Binawi niya ng konti nung biniritan niya sa huli. As of now, hindi mapagkakailang isa na siya sa weakest persons in the competition. Maaaring maalis na siya ngayong huwebes.
9
Michael Lee Johns Sang: A Day in The Life
Eto na naman yung nakakainis na galaw ng shoulders niya. Anlaki niya kasing tao, tapos gumaganun pa siya. Madalas siyang napagkukumpara kay David Cook, at most of the time, natatalo siya. Try niyang mag-iba ng genre for a while.
8
Brooke Elise White Sang: Here Comes the Sun
Natuwa ako na yellow ang suot niya at yellow ang lighting. Hindi maganda ang performance na ito. Sayaw lang siya ng sayaw.
7
Chikezie Meekie Eze Sang: I've Just Seen a Face
Ang fun nung Harmonica. At saka inulit lang niya ng konti yung ginawa niya last week. Hindi na nakakatuwa.
6
Jason Rene Castro Sang: Michelle
Michelle, my belle. These are words that go together well, My Michelle.
Michelle, my belle. Sont les mots qui vont très bien ensemble [sont le mot ki voun tre byon nansamb] -- These are words that go together well. Très bien ensemble. -- very well together.
I love the song. Haha. I love French. Ampangit magfrench ni Ryan. Spanish or Italian accent ata yung ginagawa niya. Voici!
5
Ramiele Macrohon Malubay [Denise? Kamag-anak mo?] Sang: I Should Have Known Better
I love Ramiele. And I love her performance. Alam niyo bang loveteam si Ramiele at Jason? Wala lang. wag na kayo makiagaw. Haha.
4
David Roland Cook Sang: Day Tripper
Ang cute nung tube thingy. Hello pa rin ang da best performance niya. Pero maganda pa rin ang performance niya dito.
3
Carol Roberta Smithson Sang: Blackbird [Sparrow accdg to Simon]
Powerful ang vocals ni Carly. Blackbird Fly!! Haha. Lumilipad pataas ang performances ni Carly ngayon.
2
Syesha Jessica Mercado Sang: Yesterday
Napredict ko na na kung sino ang kakanta ng Yesterday, maganda ang kalalabasan. Well, si Syesha ang kumanta. Isa ring powerful ang vocals. Andrama ng kanta pero ang cool.
1
David James Archuleta Sang: The Long and Winding Road
Tatlong beses ko pa napanood to. Isa sa 6pm ng QTV, isa sa 8pm ng QTV at isa din sa 8pm ng Star World. Haha. Adik. Kinakabahan talaga ako sa kanya. Feeling ko kasi, makakalimutan niya ulit ang lyrics niya.
~~
Hindi sila nag Top100? Nako. Ok lang. Lss ko pa rin ang Stop and Stare ng OneRepublic.
Nyemas. [stat ni Cielo Amistoso sa ym ngayon lang]. Hindi ko pa rin tapos ang MP ko. At hindi ko pa rin naiimagine na matatapos ko siya. Ang kailangan ko na lang magawa ay gawing infinite loop ang laro [Do you want to play at Do you want to quit mode...]. Dahil nagsasawa rin naman akong kausapin ang computer, nagside trip akong manood ng American Idol.
Anu ba ang masasabi ko sa bagong set? Uhm, bagung bago siya sa paningin ko. Lalo na yung maliit na screen [na dati malaki.. magastos ata sa kuryente]. The best ang gabi kasi mula sa Lennon-McCartney Songbook ang pagpipiliang mga kanta. As usual, may ranking na naman ako.. Go go na!
12
Kristy Lee Cook Sang: Eight Days A Week, by DUH.. The Beatles
Grabe. Di ko alam kung ano nangyari nung kumakanta siya. Hindi country-able ang kantang pinili niya eh. Sana "Hard Days Night" na lang ang pinili niya [mukhang wala ata sa 25 songs]. Ayoko nung glittery dress.
11
Syesha Mercado Sang: Got To Get You Into My Life
Napuri siya pero ayaw ko sa performance niya. Masyadong forgettable. Biniritan lang niya kasi.
10
David Hernandez Sang: I Saw Her Standing There
Not his best performance. Nagmistula lamang itong worse version ng Papa was a Rolling Stone niya. Sana galingan niya next time.
9
David Archuleta Sang: We Can Work It Out
Wah. Beatles ang nagangat sa kanya [actually si John Lennon lang]. Dinali din siya ng Beatles. Well. Sabi nga ni Toni / At Melai, hindi niya genre iyon. At C'mon, alam mo ba lahat ng Beatles Songs?? Haha. Pero performance wise, nagkalat talaga siya. Di naman maaalis itong si Totoy kaya galingan na lang niya next week.
8
Amanda Overmyer Sang: You Can't Do That Maganda lang. Wala na akong ibang masabi. Di ko rin kasi naintindihan ang words ng sinasabi niya.
7
Ramiele Malubay Sang: In My Life
Haha. Amboring daw. Pero natuwa naman ako. Kasi diba, kapag mellow ang kanta mo, mahahalata agad ang mga shivers sa pagkanta, eh wala siya nun. Hindi lang sila sanay sa pampatulog na kanta.
6
Jason Castro Sang: If I Fell
Pareho ako ng reaction kay Ramiele at Jason [Haha. Labtim sila, promise]. Natuwa ako sa pagkamellow. Sana may duets naman ang AI.
5
Michael Johns Sang: Across the Universe Mas gusto ko mag mellow si Michael Johns kasi ayaw ko na gumagalaw galaw siya. Nakakainis kasi yun. Mediocre lang ang performance niya ngayon. Tolerable.
4
Chikezie Sang: She's a Woman
Dito ako maraming masasabi. Una, gulat ako sa malaAmanda Overmyer grunts niya. Pero the best ang arrangements niya. Pangalawa, parang may kamukha siyang artista, di ko lang alam kung sino. Pangatlo, ngayon ko lang nasabing deserving siya sa Top 12. Kahit na ayaw ko sa kanya.
3
Carly Smithson Sang: Come Together
Haha. Diba kinumpara siya kay Kelly Clarkson. Kasi naman carLY smithSON. kelLY clarkSON. Pareho ng letters yung dulo. Pareho pa ng number of letters sa name. Haha. Pareho pang mabirit. Hindi na ako galit sa mga plants!! Haha.
[plant = inilagay daw ng mga producers para dumami ang magaling sa show]
2
David Cook Sang: Eleanor Rigby
Kala ko kung ano na ito. The best ang stage presence nito. Saka astig yung lighting nung kumakanta siya. The next Daughtry to, promise. LSS pa rin ako sa Hello niya last week
1
Brooke White Sang: Let It Be
I love the song. I love the commitment. Dawg. Dawg. I love the piano. I love Brooke. Grabe.
~~
Top 100 sila next week. Top 100 downloaded songs on iTunes. Sana maganda ang kalabasan.
Eto pala ang aking summer sched, para sa aking mga stalkers. | Time | Monday | Tuesday | Wednesday | Thursday | Friday | | 07:00 AM - 10:15 AM | Math 54 Z1-4 | Math 54 Z1-4 | Math 54 Z1-4 | Math 54 Z1-4 | Math 54 Z1-4 |
Ayan. Math 54 lang. Me and Math 54. ~~ Kung nabasa niyo ang last post ko. I got 11/12 sa Fearless Forecast on the Top 12 Finalists ng American Idol. Na-sad lang ako na umalis si Danny Noriega. Wah. Haha. Nanood na lang ako ng Survivor Micronesia para mapahupa ang sakit na aking nadarama sa pagkaalis ni Danny. Naalis si Joel "Truck" sa Survivor. Nagkaroon ng Tribal Shuffle. Airai - Eliza, Penner, Parvati, James, Jason, Kathy, Alexis, Natalie [Won Immunity and Reward] Malakal - Cirie, Ozzy, Amanda, Ami, Erik, Chet, Tracy, Joel
Finally. Nakapagpost na rin ako ng performances ng mga babae. And to tell you, mas mahirap maglaglag sa mga babae. 8 Kady MalloySang: Who Wants To Live Forever by QueenBet ko si Kady Malloy kaya lang siya na ang weakest among the girls. Mas maganda kung ipagpapatuloy niya ang impersonation ng Britney Spears sa SNL or Mad TV. Haha. I love the voice changing talent. [Get it Get it] 7 Asia'h EppersonSang: I Wanna Dance With Somebody by Whitney HoustonMas ok to kesa sa piyok na boses niya last week. Pero na outshone siya ng ibang mga girls. Hindi siya makakarating ng Top 12, I predict. 6 Amanda OvermyerSang: I Hate Myself For Loving You by Joan Jett and the BlackheartsPare pareho na lang ang style niya. Nakakasawa. 5 Kristy Lee CookSang: Faithfully by JourneyIt sounded like Carrie Underwood. But it was great. From 5-1, dikit na ang laban ng mga babaeng ito para sa akin. 4 Carly SmithsonSang: I Drove All Night by Cyndi LauperMaganda ang vocals ng babaeng ito. Pero ayaw ko siya. Masyado siyang magaling. Haha. 3 Brooke WhiteSang: Love is a Battlefield by Pat BenatarAng ganda ng stage presence + kahit di ko alam ang song, nagandahan ako sa performance. 2 Ramiele MalubaySang: Against All Odds by Phil CollinsIlang beses na rin itong kinanta sa AI kaya nasabing predictable ni Simon. Pero, I love her still. Haha. Fave ko pa kantahin ang kantang to sa Magic Sing 1 Syesha MercadoSang: Saving All My Love for You by Whitney HoustonSpeechless ako. Mad Vocals. Last Singer Syndrome. ~~ Shet. Nahuhulaan ko na talaga ang sinasabi ni Randy Jackson. Pwede na ako mag judge someday. Fearless Forecast sa Top 12 - David Archuleta
- David Cook
- David Hernandez
- Michael Johns
- Jason Castro
- Danny Noriega
- Carly Smithson
- Brooke White
- Amanda Overmyer
- Ramiele Malubay
- Syesha Mercado
- Kristy Lee Cook
Wee! The Beatles sila next week. I'm so excited. Haha. [Pero wala nang tatalo sa Queen Week]
Top 8 Boys. Ang hirap manglaglag, pero kelangan eh. 8 Luke MenardSang: Wake Me Up Before You Go Go by Wham!It's time for him to go. Although he caused me to LSS on Killer Queen by Queen, hindi na enough ang kanyang powers para sa Top 12. Hindi naman kahindik hindik ang kanyang performance, pero it was the weakest among the 8 boys.
7 ChikezieSang: All the Woman that I Need by Luther VandrossAlthough OK ang performance niya, ayoko sa kanya. Haha. Ayoko pa ng kanta. 6 Michael JohnsSang: Don't You (Forget About Me) by Simple MindsKahit napuri siya, ayoko sa performance niya. Ayoko sa mga galaw niya, ayoko sa damit niya, ayoko sa kanta. Nako. Mukha pa siyang porn star. [Ewan ko kung bakit]
5 Danny NoriegaSang: Tainted Love by Soft CellEto ang pinakamaganda niyang performance so far. It was TMTH. Joke. I love the outfit, violet hair streaks.. and the ISH. 4 David ArchuletaSang: Another Day in Paradise by Phil CollinsStars do fall. Pero Archuletaownage pa rin. Well, hindi naman magsashine si David Archuleta all the way, napapagod din ang boses niya.
3 David HernandezSang: It's All Coming Back To Me Now by Pandora's BoxFirst time kong makarinig ng lalaking kumanta ng kanta niya. Pero i admire his vocals. The best talaga. Nabibitin lang ako sa mga ibang parts kasi nakukulangan siya ng hangin. 2 Jason CastroSang: Hallelujah by Leonard CohenHallelujah! Nagbalik si Jason. Naglalaban ang performances ni Jason at ni Mister Cook sa 1 position. Pero natalo siya kasi medyo naubusan siya ng hangin sa huli. Pero I love his performance tonight. 1 David CookSang: Hello by Lionel RichieKumain pa ako nung kumanta si David Cook kaya inantay ko pa sa QTV ang perf niya para mapanood ulit. [8 nagsimula ang Star World, 8:30 naman ang QTV]. Promise, I love the song, the arrangement and all. The best talaga. ~~ Eto naman. Ang the Poem to Remember. Nakuha ko to kay Ate Jovi.THING NONE KNEW TOO By: Unknown Thing none knew see in die Who bought, who bad Fog must done knew see who one Thin knee tea gas sun Cash sea see in die Who bought, who bad Bull ball money peace. In knee love bus knee who one Dean act money in die Key knee league see who one The hill be not tea knee in die Knee love as son see who one Be thin see in die! Matatagpuan daw to sa isa sa mga CRs ng UP. Kaya, hunting na!
I love this part where the Top 24 dance. Import.flv (4.9 MB)
Wednesday! Boys' night.
Derechahan na. Iaarrange ko ang Top 10 Boys according to their performance today. Ang ibang mga titles ay kinuha ko sa Vote for the Worst Website kung saan ang sama-sama nila sa lahat ng mga taong bumubuo sa American Idol. [Pero nanonood pa rin sila]
Top 10
Jason Yeager [The Skunk Colored Hair Guy] Sang: Long Train Running by the Doobie Brothers
Di ko naintindihan ang song. Hindi rin siya gaanong kagalingan. Si Jason Yeager na ang susunod na maaalis. Nagsusuffer siya ng Mediocre Syndrome [kung saan hindi magawa-gawa ng sinumang meron nito ang mag outshine sa ibang contestants]
Top 9
Robbie Carrico [Ang Ex ni Britney] Sang: Hot Blooded by Foreigner
Isa pa to. Ayaw ko na sa kanya sa simula pa lamang. At mananatiling ayaw ko pa rin sa kanya. Sa tingin ko, binoboto lang siya ni Britney at Adnan para manatili sa AI. Sana maalis na siya bukas.
Top 8
Michael Johns [The Song-Stealer Douchebag] Sang: Go Your Own Way by Fleetwood Mac
The First Singer Bad Luck [laging hindi the best] got him. Ok naman ang performance niya pero nadaigan siya ng ibang mga boys. Baka mag-ala "JD Fortune na hindi nanalo" lang siya sa competition na ito. I mean, yung looks lang ang nagpapaasenso sa kanya sa competition.
Top 7
Danny Noriega [The ISH Factor] Sang: Superstar by The Carpenters
Mas gusto ko ang performance niya ngayon kesa last week pero nagtodohan sa ganda ang mga performances kasi ngayon kaya hindi siya nagshine. Makakapasok pa rin si Danny sa Top 12. Nakikinita ko na iyon.
Top 6
Luke Menard [Dawson's Creek meets Grey's Anatomy] Sang: Killer Queen by Queen
I like Queen songs. Nagimprove siya ngayon pero sa tingin ko ay hindi siya pang Top 12 material.
Top 5
Jason Castro [The hair, dude] Sang: I Just Want To Be Your Everything by Andy Gibb
Tama ang mga judges, dapat next week ay medyo alisin naman niya ang gitara niya. Nagmumukha tuloy magkakapareho ang mga kinakanta niya so far. At ngayong week, dahil naexpect na ng audience ang kalalabasan ng performance niya, nawala ang shock value, kaya hindi masyado nagwork. Pero maganda pa rin ang boses niya. Kaya bet ko pa rin siya!!
Top 4
Chikezie [Jacuzzi Uzi] Sang: I Believe to My Soul by Donny Hathaway
Magandang performance. Maganda Maganda Maganda. Kelangan ng negrong lalaki sa competition. Kailangan siya sa Top 12 [pero hindi mangyayari yun, i feel].
Top 3
David Cook [The Juxtaposical Rocker Dude] Sang: All Right Now by Free
Imbento ko lang ang Juxtaposical na yan. Anyways. Dati ayaw ko kay Mister Cook, kasi may Michael Johns naman. Pero ngayon, mas bet ko na itong si Mister Cook simula pa lang nung So Happy Together. Haha.
Top 2
David Hernandez [The Ex-Gay Stripper] Sang: Papa was a Rollin' Stone by The Temptations
Haha. Sabi sa forums, ex-stripper daw siya. At may pictures talaga to prove that. Anyways, matindi si DH sa vocals. Pwede mo nang masabi na... Vocals pa lang, ulam na. Haha. A thousand miles better than the previous week performance.
Top 1
David Archuleta [The Boy Wonder] Sang: Imagine by John Lennon
Duh. Siyempre Archie fan ako. Pwede na siyang ilevel sa performances nina Fantasia Barrino at Carrie Underwood. Nadala pa ng The Last Singer Good Luck [almost always the best] kaya naman bumongga ang performance na ito. Haha. Oh, pila pila lang dyan.. sino magiging Yoko Ono for the moment?
Abangan bukas ang 4 na IBWs - Interchangeable Blonde W*ores - Kristy Lee Cook [KKK], Brooke White, Alaina Alexander and Kady Malloy [Woohoo! Britney Spears]
Delayed ang Girls Performance Post. Miracle na hindi ako nakanood ng AI Ngayon. Sa Sabado probably ang Girls Performance + Elimination Post
| |