Carl's posts with tag: pacman

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag pacman
Blog EntryNanalo si Pacquiao.Jun 29, '08 7:27 AM
for everyone
So what?

Kung alam niyo ang Red Light District ng Makati [Burgos St.], pwes.. makikita niyo ako dun tuwing linggo. Hindi ako nag-na-night life dun. Nandun lang kasi ang aming simbahan. Diba.. amidst all the Bars dun sa P Burgos.. nakasituate dun ang aming simbahan, ang Makati United Methodist Church.

So, laban na nga ni Pacquiao. Eh kapag laban ni Pacquiao.. para kumita ang Jool's Bar dun sa tabi ng simbahan namin eh may access sila sa Pay Per View ng laban ni Pacman. Kaya naman kumpulan ang tao dun pag Boxing time na. As usual, andaming avid fans ni Pacman kanina. Yung mga Taxi Driver eh ibinalandra na lang ang mga taxi nila sa gilid tapos nagsipuntahan sa nasabing bar para manood.

Kung huli kayo sa balita, nanalo si Pacquiao. TKO ata.. after 9 rounds. Bulagta si Diaz. Sigawan ang mga tao dun sa bar. Tapos, after ilang minutes... REALITY CHECK! Wala pa rin namang kinita ang mga taxi drivers na nakinood. Di naman nagrollback ang presyo ng gasolina. Di naman tumaas ang Rice Production ng Pilipinas.

Anung purpose ng post na ito?

Kasi pagkatapos maki-uzi ng tatay ko sa nasabing Bar.. pumunta kami ng Mall. At nadatnan ko ang mall na walang tao! Gustong gusto ko pa naman ang mall na walang tao pag linggo. Tapos nagkamirakulo at bigla na lang kaming binilhan ng PSP ni Inay.

Kaya nagpapasalamat ako kay Pacquiao sa aming bagong bagong.. limited edition na PSP!

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Chris Vincent All rights reserved.