Carl's posts with tag: pastorals

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag pastorals
Blog EntryMabuhay ang mga di pinayagang mag UP Fair!Feb 11, '08 7:32 AM
for everyone
Haha. Di ako pinayagang mag-overnight at makipag rakrakan sa UP this week. Ang problema kasi, lagi akong humihingi ng permisong makapunta sa isang concert. Sasabihin nilang puro pasarap lang daw ang gusto ko then hindi ako papayagan. Ang totoo nyan ay never pa akong nakapunta sa isang rock concert. Diba ang saya ng college life ko ngayon?

Anyways, nagpagupit na pala ako. Naguguluhan na kasi ako sa aking Jonas Brothers na buhok kaya ipinagupit ko na ito sa barbero. Abangan bukas...

Busy busyhan lang ako ngayon sa school. Kaya hindi ako masyadong nakakaupdate.

Blog EntryKorean FilmsJan 19, '08 6:34 AM
for everyone
[Ang mga litrato ay hango sa http://www.hancinema.net]

I exchanged my Windstruck CD [actually from reymel] for an 8 in 1 Korean Films DVD from Patricia. As expected, this my giddiness - an aftermath of me watching the DVD earlier.

[Putek, magtataglish na nga lang ako. Sinapian pala ako ng isang napakaseryosong espiritu sa Wordpress blog ko ngayon. Don't miss it. PADRE SALVI ON POLITICS]

The Art of Seduction

Isang Malaking Poster ni Son Ye-jin at Song Il-gook [JUMONG]


"Total comedy. You wouldn't want this characters not ending up together in the end."
-English man na sumapi kay PadreSalvi               

Ang kwento kasi nito ay tungkol sa 2 players [Ye-jin at Il-gook, nakalimutan ko na names ng characters nila] na hindi nagpapatalo sa isa't isa upang patunayan ang kanilang galing sa flirting. Pero mukhang pareho silang susuko sa tibay ng kapwa player.

Di ko talaga kilala si Song Il-gook, sinabi lang sa akin ni Janel na siya si Jumong. Yung si Ye-jin naman. Di ko rin kilala. So, ang tanging pag-asa ko na lang na panuorin ko ito eh yung ganda ng storya. Infairness, di nila ako binigo.

I think i would have loved Filipino Love stories if it weren't for the actors involved. Pero Korean Love stories rule!!

The Classic


Isang malaking poster ni Son Ye-jin [ulit] para sa pelikulang The Classic.

A very nice twist in the end made the movie exceptional.
                                                      - Yung Englishman ulit

Isang makapagdamdaming pelikula. Eto yung kakapanood ko pa lang kanina. Kwento ito ng 2 nagmamahalang itinadhana ng pag-ibig ngunit hindi ng kapalaran. Mahahanap ni Ye-jin ang diary ng involved na lalaki sa istorya at dun magsisimula ang kwento. Sa una, akala mo corny ang kwento pero kailangan mo palang antayin ang ending kung saan maaari mong sabihing the best ang storya.

Natawa naman ako nang narealize kong may kamukha ang isa sa mga aktor sa pelikulang ito.


Tim Yap.. ikaw ba yan? [The Actor is Jo Seung-woo]

Reality Snippets

Di na to film. Updates na ng latest happenings sa Realitymania
  • Amazing Race 12 Finale - sino kaya kina Ron and Chris, TK and Rachel at Nick and Don ang mananalo? Abangan!
  • Amazing Race Asia - First pa rin ang Magnum Pi. Naalis si Terri and Henry.

Blog EntryChristmas Wish ListDec 20, '07 11:29 AM
for everyone
Listahan ng mga pinapangarap ngayong pasko.

  1. Sapatos - Kabibigay lang kanina ni Nanay at Tatay. Haha. Labyu both.
  2. Headphones - Ang isa ko pa kasing headphones ay ginagamit ng isang babaeng nagngangalang Lea Peralta. Ibalik mo na yun. Hindi ko bday gift sayo yun. Unless may magbigay sakin ng bago. Ibibigay ko na kay Lea yun.
  3. Evaporating Dish - Nabasag ko kasi ang Dish namin sa Chem 16. Kelangan ko ng pamalit.
  4. Memory Card for my mp3 - Malapit na kasi siyang mapuno. Wah. I can't afford one. Buy me one!
  5. Bagong Book ni Dan Brown - Alam kong di pa siya lumalabas. Pero it would be nice kung maibibigay niyo sakin ang manuscript nun. As in tayo pa lang bukod kay Dan Brown at sa printing press niya ang makakabasa nun sa buong mundo. Haha.
  6. Pera - Kailangan ko ng pera. Naging sapatos na nga kasi ang pera ko kaya di na ko makakarecib ng grasya mula sa aking mga magulang.
  7. Trip to Disneyland - Namiss ko na ang Hongkong. Gusto ko bumalik!! Willing ako maging tour guide. I now know HK by heart! Haha.
  8. Global Fun Ticket. - Di ako makakasama sa adventure nila sa GCF sa Dec 28 dahil nasa Dagupan ako nun. Kaya kung sino dyan ang walang makasama sa Global Fun sa mga araw ng Jan 1-2, Jan 5 and so on... Cmon, willing ako!
  9. Black Forest or Banoffi Pie - Wah. Im craving for cakes.
  10. Housing ng Selepono ko - Kawawa talaga siya. May crack na talaga siya sa gitna.
  11. Manalo si Marc and Rovilson sa Amazing Race Asia.

Blog EntryWala si Padre Salvi. Natutulog.Dec 16, '07 4:13 AM
for everyone
Random Snippets [ala-Atienzang Accent ayon kay KWy]
  • Haha. Nanahimik din ang blog ko kahit sandali lang. Struck siguro ako sa pagkaeliminate ni Azaria and Hendekea. Sanay na ako sa ganun. Naalis pa nga si Peih-Gee sa Survivor. O diba 2 bets in one week.
  • Nung Friday ay Oblation run. Wala akong ginawa kundi tumawa. Masaya rin panoorin ang mga babaeng nung araw na yun pa lang nakakita ng itsura ng uhm. Nakalimutan ko na kung sino iyon, pero may nakapagsabi sakin na some girls aye DYING to be in front. Hayz. Girls, may 3/4/5/6 more years pa kayong makakakita ng uhm. Tandaan lang na wag kumuha ng 11:30 - 1:00 subject tuwing second semester. Haha.
  • Isang masamang alaala ang EEE 11 exam para sa aming mga ECE/EE/COE kagabi. Yes. Kagabi. 6-8 pm. Buti nga at wala akong nabalitaang nabangungot that night. Nailabas na namin lahat ng emotions known to humans. Siguro may hinuha na kayo kung gaano kahirap ang test na iyon.
  • Lumabas na ang results ng EEE 31. I got a 76/90. Good.
  • Nasiyahan ako sa Titrimetric Analysis. Ansaya magtitrate ng kung anu ano. Ang hindi lang masaya eh yung computations. Kung anu anu pang stoichiometric relationships ang hahagilapin mo. But I love Chem16. Too bad it is our first and last Chem.
  • Walang special na nangyari sa Amazing Race Asia. Bumalik na naman sila sa panggagaya ng mga destinations. As usual, first pa rin sina Rovilson and Marc. Naeliminate naman si Sophie and Aurelia.

Blog EntryPadre Salvi: The Frustrated DreamerAug 1, '07 9:24 AM
for everyone

[singit] Wah. Nakita namin si Ramon Bautista sa UP Film Institute kanina. Kasama ko si Tim Ang dahil gusto ko sana makanood ng Casa. Star struck kami pareho pagdaan namin sa Hallway. Haha. Sayang, di namin nairecord ang plate number ng kotse niya. Sa dami ng mga artistang nakikita kong pakalat-kalat sa UP, kay Ramon Bautista lang ako na struck. Ewan ko kung bakit. [/singit]

Di ko pinili ng lubusan ang kursong ECE. 2/3 of the decision was made by my Mom. Acually, pinipilit ako ng Dayandante at David Clan na mag doctor na lang. Masyado silang confident sa aking intellectual capacity. Pero napansin naman ni Mama na medyo naisip ko na hindi ko kakayanin magdoctor, kaya she offered me a second decision. Nung sinabi kong I want to try Engineering, sabi niya agad, ECE. Wala naman akong magawa. Nasilaw din ako sa kapalaran ng aking mga ka-angkang inhinyero. Lahat sila eh may tsekot at malaking bahay. Syempre gusto ko din nun.

Pero puteeehk, pagpasok ko ng ECE, tumambad na sa akin agad ng ES1 [Sawa na kayo sa ES1, I won’t elaborate.] May naririnig pa akong stories mula sa aking mga kaklase na 20% lang ng mga tsismosa/o ang nakakaalam kung anung ibig sabihin ng ECE.

Tsismosa: Saan ka nag-aaral?

Ako: Sa UP Diliman po.

Tsismosa: Wow! [expected kong sasabihin niya] Anu course mo?

Ako: ECE po.

Tsismosa: Anu yon?

The only course they said that is the most related to ECE was Electrical Engineering. Kwento ng blockmate ko, ang sabi daw ng friend niya, Chemical Engg daw ang ECE. Wah. Chem16 lang ang natatangi naming Chemistry. Feeling ko, siya rin yata yung nagsabi na madali lang ang ES [Environmental Science pala yun sa kanila, sauce!]

Upang tapusin ang pag mumukmok ko about ECE, iseshare ko sa inyo ang aking views about imagining myself in another jobs. Dream Jobs, ika nga. Eto ang aking Top 3 Dream Jobs:

  1. Yoga Instructor - Inspired na inspired mula kay Aras Baskauskas, ang Survivor: Exile Island Sole Survivor. Ang cool lang kasi ng lifestyle niya. You earn a living while relaxing. Kahit donation basis lang ang kinikita nila, mapipilitan naman ang mga customer [especially matronas] na magbigay ng malaking amount. Dapat lang na bayaran ka nila, nilasap nila ng tingin ang iyong uber sexy body eh.Cool din kapag tinanong ako ng kung sinong tsismosa dyan, “Anung trabaho mo?”. Syempre isasagot ko, “Yoga Instructor”. Nosebleed sila after.

  2. Print Ad Model - Pwede kong ipang sideline kung Yoga Instructor ako. Kapag tinanong na ako ngayon, ang isasagot ko, “Yoga Instructor-slash-Model”. Bloodshed level na to. Usually naman, lahat ng instructor ng Yoga eh sexy. Tapos lalabas ka sa Cosmo etc. with my uber cool pose. Naks! Sikat na ko! Pag-aagawan ako ng Bench, Penshoppe, Levis, Wrangler, Oxygen at Human. Haha. Pero kung ako tatanungin, I would like to sport out a Suit Attire. Cool lang talaga siya.

  3. Pulis/Detective - Gusto ko ung mala-CSI na trabaho. [In our case, SOCO]. Astig nga yung bababa ka sa Santolan Station ng MRT [The MOST interactive station in MRT] tapos naka police attire ka. You somewhat create a sense of authority towards the people around you. Cool din yung blue uniform minus the super beer belly.

  4. Film/TV Director - Kakapanood ko pa lang ng On the Lot kanina. I was truly inspired by their works [Obvious naman na hindi ako mahilig maglagay ng short films nila dito]. Nako, kung mas creative lang ang mind ko, at hindi problema financially ang pag-aaral ko ng film. Haha, may solusyon ngayon dyan sa problema ko. Take Film10! Haha.

  5. Disneyland Crew Member - Kelangan talaga DISNEYLAND eh. Ewan ko. Dun ako nag-enjoy sa Hongkong Trip namin last year. Cool kaya yung uniform nila. Saka ang kyut nila mag-English. Hindi lang naman sa HK Disneyland gusto kong magtrabaho. Pwede rin sa Tokyo, LA etc. Pede rin naman sa Universal Studios [One of the firsts in my itinerary the moment na yumaman na ako] Basta, OK lang sakin yung taga assist ng seatbelt ng mga bata. Wala lang.

  6. Hero - Hindi yung hero na tipong Jose Rizal. Yung hero na may helix gene! As in Hiro Nakamura. Napag-isip isipan ko na ang magiging power ko. Dahil bawal ang magkaparehong powers sa mga Heroes, ang magiging power ko ay Vision-related. [e.g  Adjustable X-ray Vision, 360 Degree Sight, Telescopic eyes at Microscopic eyes.] O diba, uber astig?

  7. Steward - Kung gaano ako nag-enjoy sa Disneyland, ganun din ako nag-enjoy sa Eroplano. Makaka travel ka into different places at binabayaran ka pa. Cool din ang pagpapalit nila ng costume every 15 minutes. [Oo, 2 hrs lang ang flight pero naka ilang palit sila ng costumes].


Blog EntryToilet DreamsJul 28, '07 3:27 AM
for everyone

Wala akong maipost. Panoorin niyo muna ito. One of my favorite films by Sam Friedlander.

Broken Pipe Dreams ni Sam Friedlander. Enjoy!


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Chris Vincent All rights reserved.