Carl's posts with tag: pbb

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag pbb
Blog EntryPasukan na Bukas.Jun 9, '08 1:21 AM
for everyone
And I am not excited.

Kasi.. base sa mga prof.. This sem will be HELL for me.

May 7:00 class pala ako bukas. Tapos ang uwian ko ay 6:00 pm. Sana naman tamarin pa magklase si Atienza para naman may breaks ako bukas.

~

Natapos ko na pala iDL ang Season 4 ng Desperate Housewives. Kung gusto niyo ng kopya.. bigyan niyo ako ng blank DVD. Buti naman at naaccomplish kong tapusin ang Desperate Housewives ng buong summer. Happy pa rin naman ako at magkasama pa rin sina Mike and Susan next season [although magdidivorce sila eventually]. I just wish na ang kwento nila ay tulad ng kay Gabby at Carlos.

So far, the best ang Tornado Episode nila, saka rin yung Finale. Nakakahanga talaga si Marc Cherry for making a one of a hell great story mula sa mga magkakapitbahay.

~

Tapos ko na ring iDL ang Chuck. Pero di ko pa natatapos panoorin. Itatry kong isa-isahin ang episodes during school nights until matapos ko ito.

~

Then off na ako para panoorin ang mga ipinaburn ko kay Toni. [So far, Juno at The Simpsons Movie pa lang ang napapanood ko dun]. Panonoorin ko rin pala ang Made of Honour na katatapos ko pa lang iDL. At ngayon, matiyaga akong naghihintay sa diniDL ko na Enchanted. Yahoo!

~

Nakakainis na natalo si Robi ng 30k votes laban kay Ejay. I mean, do you want a big winner who doesn't know the No Parking Sign. Alam ko na galing siya sa isla pero tumapak naman siya sa Manila a year ago. Sana man lang, nakapagtanong siya kung ano ang meaning ng sign na ganito and ganyan. Well, Ejay chose to be Ejay.

Win or Lose, It's Robi We Choose! Yahoo! GO Robilievers!

Blog EntryCarly booted out of AIApr 24, '08 10:45 PM
for everyone
Tama ba namang bottom 2 si Syesha at Carly. I think they have sang a great performance. They don't deserve to be eliminated at this time.

Ang ating isang hinuha ay nadisprove..[The Boy-Girl pattern]

Pero ang isa pa ay nagpapatuloy pa rin..

1st week - Syesha Mercado - Bottom 3
2nd week - Amanda Overmyer - Eliminated
3rd week - Ramiele Malubay - Safe
4th week - Brooke White - Bottom 3
5th week - Michael Johns - Eliminated
6th week - David Archuleta - Safe
7th week - Syesha Mercado - Bottom 3/Bottom 2
8th week - ? - Eliminated - kawawa naman to.. [I strongly feel na si DCook ang first performer next week kaya madidisprove na to]

--

Support Robeaut pala. Dahil nakakaumay na ang NicoSef.



Blog EntryShock. Michael Johns was out.Apr 12, '08 2:19 AM
for everyone
Talaga nga namang na-shock ako nung sinabing si Michael Johns ang na-out. Ang isip ko kasi eh si Carly or Syesha na ang matatanggal pero poof, it became Koko Crunch. Gusto ko pa naman ang Dream On niya. actually malapit na siyang mapasali sa bets ko pero wala na.. wala na siya. Alam ko namang maaalis siya at some point [maybe kapag 6 na sila or less]. Di ko naman masisi si Kristy Lee Cook kasi ang galing galing niya nung night na yun

Wait lang. May trend akong nakikita.

1st week - David Hernandez - BOY?
2nd week - Amanda Overmyer - Girl
3rd week - Chikezie - Boy
4th week - Ramiele Malubay - Girl
5th week - Michael Johns - Boy
6th week - ? - Girl

Alam niyo ba na kung sino ang first performer.. [almost] laging nalalagay sa alanganin.

1st week - Syesha Mercado - Bottom 3
2nd week - Amanda Overmyer - Eliminated
3rd week - Ramiele Malubay - Safe
4th week - Brooke White - Bottom 3
5th week - Michael Johns - Eliminated
6th week - ? - Safe
7th week - ? - Bottom 3
8th week - ? - Eliminated

--

Wala lang. May Survivor Philippines pala sa GMA. Ang masasabi ko lang, lagot sila sa Pinoy Audience. Pinalaki tayo ng Philippine TV ng ayaw sa kontrabida. Tapos gagawa sila ng show kung saan ang kontrabida ang laging nananalo. Hindi kaya ng pusong pinoy ang backstabbing ng harap-harapan. Tingnan mo nga naman itong si Wendy. Kinamuhian na ng tao dahil sa pang-aaway niya. Cmon, normal lang ang ganitong mga pangyayari sa Survivor. Fans at open-minded persons lang ang makakaintindi ng larong ito. Ang corny naman kung taumbayan ang magdedecide kung sino ang maaalis.

Honestly, natutuwa ako sa show na to ng GMA. Naeexcite na nga ako kung sino ang kauna unahang Pinoy Castaways. Nahuhulaan ko na si Paolo Bediones ang maghohost nito. Sana may gumawa ng Pinoy Amazing Race. Dun ako sasali. Sino gustong partner ko?

--

Eviction na mamaya. Hindi na si Linda ang gusto kong maalis, kundi si Priscilla.

Kung napanood niyo yung episode kahapon, diba walang kwenta? Jolas Day kasi kahapon. Tawa lang ako ng tawa habang umiiyak siya.

My Fearless Forecast kung sino ang manonominate bukas:

Kevin
Beauty
Josef

[nyak, mahihirapan ang taumbayan magdecide nyan]

Blog EntryBB Josef at BB ValerieApr 6, '08 11:03 AM
for everyone
Antagal lumabas ng grade sa EEE11. Wah. Pero mas kinakabahan ako sa Eviction Night.


Ayan. Support them ha.

Blog EntryPong Pong GalapongApr 3, '08 7:35 AM
for everyone
Sa mga unang nakabasa ng post ko, ang una kong hula sa bottom 3 ay sina Carly, Syesha at Ramiele. Ineliminate ko pa si Carly. Napag-alaman kong sa first instinct na lang ako dapat umasa, dahil yun ang laging tama. Haha.

Bottom 3

Ramiele Malubay - Eliminated
Kristy Lee Cook
Brooke White

My Bottom 3

Ramiele Malubay - Eliminated
Brooke White
Jason Castro

Haha. I should really trust my instincts.

--

Idol Gives Back pala next week. Which means, probable na walang elimination, pero 2 ang maaalis the following week.

--

Updates sa PBB

- May task si Josef at Beauty [at isinama nila si Kevin at Jieriel] na may kinalaman daw sa First Eviction Night ng mga guardians. Dating opponent ako ng Guardians idea pero ngayon, isa na akong proponent. Haha. Bet ko maalis na ang tita ni Valerie dahil di ko man lang siya napansin ngayong linggo.

- Wee! May bagong loveteam. Go Robi-Nicole.

- Nabinyagan na itong si Alex! Pero may isa pa raw na hm na hindi pa tuli. I am 90% sure na si Kevin iyon. Advice ko sa kanya, wag na magpatuli. Di naman kailangan eh.

-- The best ang Pong Pong Galapong. Haha.

Blog EntryA Controversial PictureMar 28, '08 11:59 AM
for everyone
Para sa mga inlab sa mga batang ito..

Leave it. Sila na.

Haha. Joke lang. Tapos na ang BBF task pero todo bond pa rin sila. Katuwa.


~~

Dahil ako ay isang magaling na stalker..

Nalaman kong..

Si Robi ay nakapasa ng BS Biology sa Ateneo ngunit DPWS lang siya sa UP Diliman
Si Mikee ay nakapasa ng BS Management Engineering sa Ateneo at BS Economics sa UP Diliman

Si Nicole ay nakapasa ng BS Management sa UP Cebu at Ateneo.
Eh ang sabi, si Nicole daw, mag-AAteneo.

Kaya magtatransfer na ako dun. Haha. Joke lang. I love UP Diliman!!!

~~

Si Jieriel pala ang may kasalanan kaya natalo sila sa weekly task. Sunugin!!

Blog EntryIloks and ChuletsMar 27, '08 11:28 AM
for everyone
Chulets

Gumana na naman ang psychic powers ko. Naalis si Chikezie.

My Bottom Three

Jason Castro
Ramiele Malubay
Chikezie

The Bottom Three

Jason Castro
Syesha Mercado
Chikezie

Dolly Parton pala next week. Ang corny.

Lutang pa rin ang issue ng prom date ni Chulets, na siya namang kinatatampururutan ni Melai. Actually, ang akala ko eh ate yun ni Chulets kaya keri lang. Pero nung tinext sa akin ni Melai na si Prom Date pala yun at napanood ko for the second time, wala akong nasabi.

Melai, hindi makakaattend ng prom si Chulets. Kelan ba nagpoprom sa America??

CHANGE, Medyo yumayabang na si Mister Cook. Wa naman akong ma-say kasi magaling naman siya. Pero sana alisin lang niya yung medyo cocky attitude. Ayaw ni Simon sa ganun.

Speaking of Simon, isa na sa favortie personalities ko si Simon Cowell. Along with Donald Trump.

~~

Iloks

After 4 days, nakakatuwa ang loob ng bahay ni Kuya.

Nafifeel ko lang na hindi masyadong cooperative si Yowsef sa BBF task. Si Rowbee naman ay tulala at iniisip ang graduation nila sa Sunday. Haha. Nafifeel ko [ulit] na magugutom sila next week.

Haha. Dahil adik ako, nagfoforums ako araw araw. FYI, nakaka 20 pages per 12 hours ang forums ng PBB Teen Edition, kaya ang hirap makasunod sa flaw.

Simula pa lang eh andami na nilang loveteam prospects. Tulad ng Robi - Nicole. Para sa mga frustrated Kim - Mikee fans ang fanclub nito. Pero hindi pa ako kasali dun. [Sa Nicolettes at sa Robi Fans lang ako kasali.. joke]

Marami akong nakitang nakakatawa sa forums. Eto examples:

Loveteams:

Nan + Rona --> NanNa.
Beauty + Kevin --> BeautyKe
Ejay + Nicole --> EjayCole.

Haha. Eto pa.. Kasi, prospect ng forumers na may dadagdag pa sa original 14 housemates. Eto raw yung mga titles ng mga dadagdag na teens.

Baluga Babe ng Catbalogan
Girl Magtutulak ng Tarlac
Laman ng Inidoro ng Mindoro
Teenage Kalansay ng Pasay
Amboy Aeta ng Pasay
Batang Snatcher ng Batangas Pier
Basang Sisiw ng Liliw
Mukhang Bangkay ng Matabungkay
Basketball Hunk na may B.O. ng Olongapo
Beauty Queen na Ututin ng Maasin
Machong Kikay ng Majayjay
Boy Lintik ng Subic
Ex-GMA Network Teen Star ng Carcar
Gamol ng Bohol
Rugby Boy ng TIngloy
Burarang bata ng Muntinlupa
Walang Kaibigan ng Vigan
Sexing Bobita ng Puerto Princesa
Teenage Grandma ng Nueva Ecija
Lampang Lantutay ng Taytay
Batang Mukhang Pusod ng Pagudpod (ANAK SA LABAS NI CRISTY FERMIN AT RODERICK PAULATE)

Haha. Amusing.

Dagdag. Tawa ako ng tawa sa smiley faces, covering Beauty's armpits. Haha. As in talagang smileys eh. Haha. Haha. Haha.

Blog EntryIsang Scandal na hindi ko malilimutan.Jan 9, '08 8:51 AM
for everyone
Babala: Hindi ito para sa mga virgin pa ang isipan.
Isang araw, naglalakad ka sa isang deserted street, nang biglang may dumakma ng pagkalalaki mo. Tapos...
..................................
...........................................
...............................................
................................................
...............................
.................
...................................................
.................................................

Joke lang. Interesado ka no? Irereveal ko lang ang aking mga celebrity crushes. Actually dalawa lang sila.

Taylor from Kid Nation. - Haha. Pedophile. Kapag tumanda ito, nako. 7 years lang naman ang age gap namin. Haha. Binilang eh.

Riza Santos - Enough said.


Blog EntryThe Pre-Post PostDec 8, '07 5:16 AM
for everyone
Post Heroes

  • Nako. "Namatay" si Nathan at Niki. Anung gamit ng Claire's blood? Hello! Save her own father! Nawawalan na ng essentiality ang relationship ni Claire at Nathan.
  • Pati ba ang blood ni Claire, nakakabuo ng glasses? Haha. Himalang naayos yung HRG ni HRG.
  • Sylar is back! Magdiwang. I mean. Bumalik na ang powers niya! Haha. Gusto ko ang Elle-Sylar Faceoff.
  • May bagong loveteam. Maya-Mohinder. Joke. Or Elle-Mohinder? I loved the Maya-Sylar though.
  • Sigurado akong dadagdag si Maya sa pamilya ng mga napag-iwanan. [Matt, Mohinder, Molly]. Bagay siya dun. Kasi M. Isama na rin si Micah at Monica. O diba. One big happy family sila.
  • What is the significance of the spinach can Sylar used to test his powers?
  • At hindi ko pa rin alam ang essentiality ng ipis!
  • Bigyan niyo naman ng Plotline si Ando. Forever na siyang nasa cubicle niya.
  • I love Bob. Keep him!
Post Amazing Race 12

  • Tinatamad na ko mag ranking. Nasa Lithuania sila. Pers si Tk and Rachel. Eliminated si Shana and Jennifer.
  • Cool leg. Pero mukhang normal
Post Amazing Race Asia 2

  • Flight clumps na naman. Sayang si Sawaka and Daichi.
  • Anyways, First ulit si Marc and Rovil. Eliminated si Brett and Kinar.
  • Naaksidente sina Pam and Van. 7th sila though
  • Pumunta sila Hongkong - the money-counting country
  • Then nag New Zealand sila.
  • So far, the coolest leg ever. I love the Spookers route info!
Post Survivor China

  • Denise won Reward. Haha.
  • Peih-gee won immunity
  • Erik voted out (4-2) [to todd]
  • Peih-gee or Todd for the win!
  • Eliminate Amanda... the dark horse!
Pre Eviction Night.

  • I don't care whether it's Jon or Donnie. Just save Will!

Blog EntryAmazing Race, Survivor and PBB ClippetsNov 20, '07 7:48 AM
for everyone
AMAZING RACE

Bet ko sina Azaria and Hendekea at si Ronald and Christina. Haha. Isa-isang naaalis ang mga ayaw ko sa race tulad ni Ari and Staella, Kate and Pat at Marianna and Julia. Kewl na kewl ang mga countries na pinupuntahan nila ngayon. Umuulan ng first time sa Amazing Race! Pumunta na nga silang Ireland at Burkina Faso. Pupunta pa raw sila ng Lithuania! Woohoo!

Matindi pa rin ang kapit ng Gramps team Nicholas and Donald. Si Lorena and Jason naman eh muntik nang maeliminate last leg. Kamukha pa naman ni Mark Wahlberg si Jason. The best naman ang Detour sa Burkina Faso na Teach or Learn. Nagamit ni Azaria and Hendekea ang kanilang memorization powers kaya sila'y nagtagumpay sa laban. Keeewl!

SURVIVOR

Di ako nakapanood ng Survivor last Friday. Haha. Nabalitaan ko na lang na naalis na pala si Frosti dahil si Peih-Gee ang nanalo sa immunity challenge. Haha. Bet ko manalo si Peih-Gee or Erik.

Trivia: Kamukha ni Jonell si Frosti

PBB

Haha. Anlaki ng epekto kay Riza ng Mock Nominations. Pero gusto ko yun dahil mapapalapit si Will kay Riza ngayon. Kaso, si Jon ang umeeksena eh. Nako. Paano na ang aking peyb loveteam. Go Mariel. Use your epal powers!

Blog EntryPBB Update + First Sem GradesOct 26, '07 2:21 AM
for everyone

Ayan nga. Hindi yan isang mirakulo. Grades ko yan! Woohoo! Di ko akalaing makakaCS pa ko sa lagay na to. Salamat sa aking Math 17, natupad ang aking CS Dreams. I got a GWA of 1.605(something). Masaya na ako dito. Walang grades lower than 2.00. Sana magpatuloy hanggang paggraduate.

~~

Kung nanood kayo kagabi ng PBB, isinentro sa HoH at kanyang mga alalay ang kwento. Talaga nga namang nakakainis si Baron. Alam na nga ng lahat na tamad siya, sinabi pa niya na hindi siya tamad. Nakaaway pa niya itong si Megan na taimtim na sumusunod sa mga pinagagawa ni HoH Ethel. Ayan tuloy, naparusahan si Donnie. Iniwan nila tayo sa isang cliffhanger kung ano ang gagawing desisyon ni Baron ukol sa parusa ng kanyang kuya.

~

Pumunta naman tayo sa loveteam nina Will at Riza kung saan tatakbo akong vice president ng fans club nila kung sakali. Haha. Joke lang.

Ito ngang sinasabing tulay na si Jen ay naiinlove na rin daw kay Will. Haha. Nagkakamabutihan na kasi itong si Will at Riza na gustong-gusto naman ng mga taong katulad ko. Haha.

Blog EntryPBBCE2 Titles at Survivor ReactionsOct 20, '07 11:59 AM
for everyone
Nako. Commercial Break ng PBB.

Tulad ng pinromise ko, magcocomment na ako sa mga titulo nila.

  • Will (True Lover) - Putek. Simula pa lang ng pagpapakilala, yan na agad ang title na bubungad sakin? Ako rin naman ah. True Lover. JOKE na malaki! Pero nice naman ang title na yan. Dapat niya itong panghawakan
  • Megan (The Princess of Charm) - Charming naman itong si Megan para sa akin. Ewan ko pero I understand conyos na! They're like parang you know.. They are like us only they are more sensitive to things.
  • Riza (Desirable Diva) - Desire nga ang dulot nitong hot beauty queen na ito. Napatibok na niya agad ang puso ng ating resident True Lover. Haha. Ei, may Will-Riza Fans Club na ba? Vice President dapat ako ha!
  • Ruben (Komedyanteng Promdi) - Akala ko nung una si Empoy. Pero elibs ako sa Budots Dance. Ok naman siya. He does his role in the house. Masaya naman ang mga scenes niya lalo na with Ethel. Ang lame nung title nya.
  • Yayo (Mom in Distress) - Grabe. Siya na talaga ang mananalo dito. Ang lame din nung title niya. Dapat mas intriguing ang title niya, tulad ni Victor.
  • Victor (The Lonely Dreamboy) - Yun ang pamatay. Gusto ko sanang yan ang maging title ko sakaling mag PBB ako. Pero nakuha na niya eh.
  • Baron (Wild Child) - Wild talaga ang artistang ito. May Scarface pa talaga eh.
  • Marylaine (Brainy Babe) - Brainy nga itong 26k na ito, ngunit hindi naman niya ipinapamalas sa loob ng bahay. Don't worry, may time pa to change.
  • Jen (Despised Babe) - Ka despise despise ang unang impression mo sa kanya. Ngunit pag lumaon ay maaadapt mo na rin ang kanyang ugali. Di ko na siya ayaw.
  • Donnie (The Good Brother) - Mukha namang good kuya itong si Donnie. Kayang kaya niya ipagtanggol si Baron. Sino yung nagscar kay Baron? Patay patay yun.
  • Gaby (The Racing Goddess) - Wala man lang thrill sa pangalan. Dapat intriguing nga tulad ng "The Gloomy Driver". Isang Malaking JOKE.
  • Mcoy (The Real MCoy) - Kanino kaya nababagay ang title na yan? Kay Ethel? Nako...
  • Zara (The Poor Beauty Queen) - Kala ko pa naman, si Melanie Marquez na to nung una kong marinig ang title niya. Hindi ko pa rin siya kilala hanggang ngayon.
  • Jon (The English Outcast) - Parang parte naman ng World History Books si Jon dahil sa title niyang ito. Pero cool pa rin ang title. Mapapaisip ka.
  • Ethel (The Ultimate Pasaway!) - Oo. May exclamation point nga sa huli. Di rin intriguing. Nababagay ang "Sex Video Queen" sa kanya.
~~

Survivor naman!

Naalis itong si Aaron dahil nga sa tribal shuffle na nangyari. Si Frosti at Sherea ay napunta sa Fei Long samantalang si Aaron at James ay napunta sa Zhan Hu. Nagpatuloy na naman ang losing streak ng Zhan Hu kahit na nagpalitan na ito ng mga members. Sinasabi nilang ipinatalo ng Zhan Hu ang immunity challenge dahil it will help them strategically.

Naniniwala ako sa strategy ni Peih-Gee. Kelangan nga nilang magpatalo upang mapaalis ang "Fei Long" members sa kanilang tribe. Dahil kung mananalo sila, Maaalis itong sina Frosti at Sherea. Kung mag memerge ang dalawang tribong ito ay magkakaroon sila ng 5-5 na statistics. Mas magiging enjoy ang laban. Sino kaya ang magbabackstab?

~~

Nominated ang 26k duo at si Megan.

Dahil mas gusto ko si Megan..

Text BB 2 and send to 2331 (Globe and affies), 231 (Smart and affies)

Blog EntryPapasok ba si Ethel Booba?Oct 17, '07 4:42 AM
for everyone
Excited na ako mamaya kung papasok nga ba si Ethel Booba sa loob ng bahay ni Kuya.

Sa susunod ko na gagawin ang reaksyon ko sa mga "titles" nila. Gusto ko muna sila kumpletuhin. Kaya naman ngayon, magrereact muna ako sa mga pangyayari ngayon.

  • Naparusahan si Will dahil sa isa na namang lapel mic incident - kung napanood niyo ang live stream kanina sa Studio 23, makikita niyo na naka microphone siya literally. Dahil ito sa kanyang pagkadulas sa pool while wearing his lapel. Nakakaawa naman itong si Will. Siya na nga ang gumawa ng krimen sa CR tapos may parusa na naman siya. Nahuhulaan ko na someday, magkakaroon siya ng automatic nomination.
  • Si Jen - Nako. Natamaan na niya ang kasamahan niyang si Riza dahil sa pagkataklesa niya. Maaga tong manonominate. Kailangan natin silang iligtas dahil maaalis din si Marylaine kapag naevict siya. At ayaw naming mangyari yun!
  • Namumuong tambalan - Si Will na naman. At kanyang napupusuang si Riza. Pareho naman sila sigurong TRUE LOVER. Haha. Si Will na grabe kung magmahal at si Riza na NBSB. Nakow. Perfect Combi to.
  • Si Baron - Umaariba ang pagkachickboy ni Baron sa loob ng bahay. Nahihilig na siya sa pakikipag beso beso sa mga girls. Nako tong si Baron. Haha.


Blog EntryPBBCE2: Unang BanatOct 14, '07 9:47 PM
for everyone
Bumabalik na naman ang PBB Addict.

Well, as usual, sinubaybayan ko na naman ang PBB kahapon. Loyal kung tuturingin, pero feel ko, ilan na lang kaming mga nakakaappreciate ng kagandahan ng isang reality show. It may be scripted, pero may percent pa rin sa show na yun na totoo. I feel naman na hindi scripted (with a director and stuff) ang PBB. They just initiate situations kung saan mailalabas ng mga housemates ang kanilang mga reaksyon towards that moment. Scripted, dahil pinapaikot ng PBB ang buhay ng mga tao sa loob ng bahay. Pero hindi scripted dahil sila pa rin ang bahala kung ano ang gagawin nila sa sitwasyon na ganito, kung saan paglalaruan sila ng mga tao sa paligid.

Ok, bago pa ko magdrama, uunahan ko na ang emosyon na ito sa pamamagitan ng pagrereact sa unang 10 housemates sa PBBCE2.

  1. Will Devaughn  - Hindi ko siya kilala by face. But I know he is a model. Di ko lang talaga maalala ang hitsura niya. Di bale, maaalala ko rin siya. Mabibigla na lang ako kung makita ko siya kung saan saang commercial. I think he will be eliminated at the middle.
  2. Megan Young  - Kalilipat lang galing siyete. She surely made the right choice of joining PBBCE2. Makikilala na natin siya more than her other Starstruck mates. Maeeliminate siya pagkatapos ni Will Devaughn..
  3. Riza Santos - Isang soldier na beauty queen. Maganda naman siya, in fairness. Maaalis bago mag Big 4.
  4. Ruben Gonzaga - I want to learn the Budotz Dance. Makikita niyo kong isasayaw ko yan habang nasa UP. (haha) Obviously, the comedic savior of PBBCE2. Isa sa Big 4.
  5. Victor Basa - Mala Zanjoe ng batch na ito. As in talagang mala Zanjoe na hindi gagawa sa loob ng bahay etc. Isa sa Big 4.
  6. Yayo Aguila - Syempre, kailangan ng rep na katulad niya. Alangan namang puro bata ang papasok? Isa sa Big 4.
  7. Baron Geisler - No Comment. Maaalis ng maaga. Siya ang dahilan kung bakit maaalis din si Donald Geisler.
  8. Marylaine Viernes - Haha. Syempre kailangan ng Deal or No Deal sa ganunan. Maaalis ng maaga dahil kay Jen De Silva.
  9. Jen De Silva - Manonominate agad to. Maaalis din agad. Period.
  10. Donald Geisler - Maganda sana na nasa loob siya ng bahay ngunit sa twist eh maaalis siya dahil kay Baron.

Sayang at wala na si Ethel Booba. Nag back out kasi. It's nice to have her there. Nako. Ang alam ko lang sa mga susunod na papasok eh si Mcoy Fundales.

_fin_

Simultaneous post sa http://carlthehero.blogspot.com

[edit]

ilalagay ko na lang ang comments ko sa mga titles nila sa susunod na post. nakalimutan ko eh

[/edit]

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Chris Vincent All rights reserved.