Carl's posts with tag: survivor

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag survivor
Blog EntryShock. Michael Johns was out.Apr 12, '08 2:19 AM
for everyone
Talaga nga namang na-shock ako nung sinabing si Michael Johns ang na-out. Ang isip ko kasi eh si Carly or Syesha na ang matatanggal pero poof, it became Koko Crunch. Gusto ko pa naman ang Dream On niya. actually malapit na siyang mapasali sa bets ko pero wala na.. wala na siya. Alam ko namang maaalis siya at some point [maybe kapag 6 na sila or less]. Di ko naman masisi si Kristy Lee Cook kasi ang galing galing niya nung night na yun

Wait lang. May trend akong nakikita.

1st week - David Hernandez - BOY?
2nd week - Amanda Overmyer - Girl
3rd week - Chikezie - Boy
4th week - Ramiele Malubay - Girl
5th week - Michael Johns - Boy
6th week - ? - Girl

Alam niyo ba na kung sino ang first performer.. [almost] laging nalalagay sa alanganin.

1st week - Syesha Mercado - Bottom 3
2nd week - Amanda Overmyer - Eliminated
3rd week - Ramiele Malubay - Safe
4th week - Brooke White - Bottom 3
5th week - Michael Johns - Eliminated
6th week - ? - Safe
7th week - ? - Bottom 3
8th week - ? - Eliminated

--

Wala lang. May Survivor Philippines pala sa GMA. Ang masasabi ko lang, lagot sila sa Pinoy Audience. Pinalaki tayo ng Philippine TV ng ayaw sa kontrabida. Tapos gagawa sila ng show kung saan ang kontrabida ang laging nananalo. Hindi kaya ng pusong pinoy ang backstabbing ng harap-harapan. Tingnan mo nga naman itong si Wendy. Kinamuhian na ng tao dahil sa pang-aaway niya. Cmon, normal lang ang ganitong mga pangyayari sa Survivor. Fans at open-minded persons lang ang makakaintindi ng larong ito. Ang corny naman kung taumbayan ang magdedecide kung sino ang maaalis.

Honestly, natutuwa ako sa show na to ng GMA. Naeexcite na nga ako kung sino ang kauna unahang Pinoy Castaways. Nahuhulaan ko na si Paolo Bediones ang maghohost nito. Sana may gumawa ng Pinoy Amazing Race. Dun ako sasali. Sino gustong partner ko?

--

Eviction na mamaya. Hindi na si Linda ang gusto kong maalis, kundi si Priscilla.

Kung napanood niyo yung episode kahapon, diba walang kwenta? Jolas Day kasi kahapon. Tawa lang ako ng tawa habang umiiyak siya.

My Fearless Forecast kung sino ang manonominate bukas:

Kevin
Beauty
Josef

[nyak, mahihirapan ang taumbayan magdecide nyan]

Blog EntrySched + AI ResultsMar 7, '08 9:43 AM
for everyone
Eto pala ang aking summer sched, para sa aking mga stalkers.


Time Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday
07:00 AM - 10:15 AM Math 54 Z1-4  Math 54 Z1-4  Math 54 Z1-4  Math 54 Z1-4  Math 54 Z1-4 


Ayan. Math 54 lang. Me and Math 54.

~~

Kung nabasa niyo ang last post ko. I got 11/12 sa Fearless Forecast on the Top 12 Finalists ng American Idol. Na-sad lang ako na umalis si Danny Noriega. Wah. Haha. Nanood na lang ako ng Survivor Micronesia para mapahupa ang sakit na aking nadarama sa pagkaalis ni Danny.

Naalis si Joel "Truck" sa Survivor. Nagkaroon ng Tribal Shuffle.

Airai - Eliza, Penner, Parvati, James, Jason, Kathy, Alexis, Natalie [Won Immunity and Reward]

Malakal - Cirie, Ozzy, Amanda, Ami, Erik, Chet, Tracy, Joel



Blog EntryReality Show UpdatesJan 2, '08 12:52 AM
for everyone
The Amazing Race 12

Naalis na ang favorite ng karamihan, ang Goths na sina Kynt and Vyxsin. Galing ng Italy ay pumunta sila [ulit] sa India, specifically Mumbai, kung saan nagwagi na naman itong si TK and Rachel. Naintroduce ang konsepto ng Speed Bump na designed para sa mga nakasurvive sa tulong ng isang non-eliminating leg. Kinabahan ako sa episode na ito dahil neck to neck ang competition between Nate and Jen and Kynt and Vyxsin. Buti na lang eh nagkamali ang Goths sa paggamit ng U-turn. They have used it against Nicholas and Donald na nauna sa kanila, thus, hindi sila maapektuhan. [I remember the Yield Thing with Terri and Henri of Tara2, that made Kynt and Vyxsin's case truly an acceptable decision error].

Leader board
1st Tk and Rachel
2nd Nicholas and Donald [Gramps]
3rd Ronald and Christina
4th Nathan and Jennifer
5th Kynt and Vyxsin - Philiminated

I really want Kynt and Vyxsin to go. Next leg is surely a non eliminating leg, but I want Gramps to be Philiminated. BTW, the next leg is in Osaka, Japan. A good place to race.

I want more Yields, U-turns, Fast Forwards, Speed Bumps and Intersections on the race. They are so pretty cool.

[spoiler start]
Ayon sa spoilers, ang mananalo ay sina Nate and Jen, Gramps will be Second, then TK and Rachel will be Third. That means Ronald and Christina will be Philiminated next. I hope this spoiler is wrong. Eliminate the Gramps!!
[spoiler end]

The Amazing Race Asia 2

Amazing Race Asia bores me these days. 4 legs straight na first ang Magnum Pi [Marc and Rovilson]. Naalis si Daichi and Sawaka. What a bore. Wala nang masaya. All of us, Daichi and Sawaka fans are hating the Desperate Housewives [Ann and Diane] more and more. Haha. Gusto ko lang talaga makarating sa Final 3 ang Magnum Pi. I really predict that they will not win. Maybe Pam and Van or Adrian and Collin. Isa lang ang hiling ko. Maalis ang Desperate Housewives.

Sino ba namang hindi makakalimot ng Yield thing with Terri and Henri. Almost all the teams are now accepting the fact that Magnum Pi are always ahead of them. Then biglang may magyiyield sa kanila. Haha. Parang hindi nagbasa ng rule book sina Terri and Henri. Pero I am so surprised of their Amazing Race luck. So is the Magnum Pi, specifically Marc [because of the lock Road Block]. Anyways, mag-iinit ang ulo ni Rovilson sa natapat sa kanyang Road Block next week. Some kind of finding something in Mud Jars. Haha. Pass your luck Marc!!

Marami na pala ang naiinis kay Marc and Rovilson. Even Filipino fans. They are now dubbed as the worst team ever in the history of Amazing Race [kahit na puro 1st pa ang inabot nila]. That was the rudest title I've seen in the forums. We, Filipinos, just dub them the Corniest Team. Haha. Stop the unfunny humor Magnum Pi.

At isa pa, marami na ring nakapanood ng controversial na commercial nina Rovilson and Vanessa. [Are they dating?] That is the question.

Survivor: China

Sa mga kapapanganak pa lang ngayon, nanalo si Todd sa Survivor China. 4-2-1 ang laban. Talagang nakatsamba pa si Courtney ng Second Place eh. May dumagdag na naman sa listahan ng mga Most Stupid Castaways ever. Si Denise! Duh. Kung sumanib na siya sa samahang Peih-Gee at Erik, She should have garnered at least Third. It was revealed if that was the case, Peih-Gee could have won .

Survivor Micronesia: Fans vs Favorites ang next season. nasa spoilers ang Listahan ng mga Favorites [previous castaways]

[spoiler start]
Parvati, Jonathan and Ozzy from Cook, Cirie from Panama, Amanda and James from China, Ami and Eliza from Vanuatu, Johnny Fairplay from Pearl, Yau-man from Fiji.
[spoiler end]


Blog EntryWala si Padre Salvi. Natutulog.Dec 16, '07 4:13 AM
for everyone
Random Snippets [ala-Atienzang Accent ayon kay KWy]
  • Haha. Nanahimik din ang blog ko kahit sandali lang. Struck siguro ako sa pagkaeliminate ni Azaria and Hendekea. Sanay na ako sa ganun. Naalis pa nga si Peih-Gee sa Survivor. O diba 2 bets in one week.
  • Nung Friday ay Oblation run. Wala akong ginawa kundi tumawa. Masaya rin panoorin ang mga babaeng nung araw na yun pa lang nakakita ng itsura ng uhm. Nakalimutan ko na kung sino iyon, pero may nakapagsabi sakin na some girls aye DYING to be in front. Hayz. Girls, may 3/4/5/6 more years pa kayong makakakita ng uhm. Tandaan lang na wag kumuha ng 11:30 - 1:00 subject tuwing second semester. Haha.
  • Isang masamang alaala ang EEE 11 exam para sa aming mga ECE/EE/COE kagabi. Yes. Kagabi. 6-8 pm. Buti nga at wala akong nabalitaang nabangungot that night. Nailabas na namin lahat ng emotions known to humans. Siguro may hinuha na kayo kung gaano kahirap ang test na iyon.
  • Lumabas na ang results ng EEE 31. I got a 76/90. Good.
  • Nasiyahan ako sa Titrimetric Analysis. Ansaya magtitrate ng kung anu ano. Ang hindi lang masaya eh yung computations. Kung anu anu pang stoichiometric relationships ang hahagilapin mo. But I love Chem16. Too bad it is our first and last Chem.
  • Walang special na nangyari sa Amazing Race Asia. Bumalik na naman sila sa panggagaya ng mga destinations. As usual, first pa rin sina Rovilson and Marc. Naeliminate naman si Sophie and Aurelia.

Blog EntryThe Pre-Post PostDec 8, '07 5:16 AM
for everyone
Post Heroes

  • Nako. "Namatay" si Nathan at Niki. Anung gamit ng Claire's blood? Hello! Save her own father! Nawawalan na ng essentiality ang relationship ni Claire at Nathan.
  • Pati ba ang blood ni Claire, nakakabuo ng glasses? Haha. Himalang naayos yung HRG ni HRG.
  • Sylar is back! Magdiwang. I mean. Bumalik na ang powers niya! Haha. Gusto ko ang Elle-Sylar Faceoff.
  • May bagong loveteam. Maya-Mohinder. Joke. Or Elle-Mohinder? I loved the Maya-Sylar though.
  • Sigurado akong dadagdag si Maya sa pamilya ng mga napag-iwanan. [Matt, Mohinder, Molly]. Bagay siya dun. Kasi M. Isama na rin si Micah at Monica. O diba. One big happy family sila.
  • What is the significance of the spinach can Sylar used to test his powers?
  • At hindi ko pa rin alam ang essentiality ng ipis!
  • Bigyan niyo naman ng Plotline si Ando. Forever na siyang nasa cubicle niya.
  • I love Bob. Keep him!
Post Amazing Race 12

  • Tinatamad na ko mag ranking. Nasa Lithuania sila. Pers si Tk and Rachel. Eliminated si Shana and Jennifer.
  • Cool leg. Pero mukhang normal
Post Amazing Race Asia 2

  • Flight clumps na naman. Sayang si Sawaka and Daichi.
  • Anyways, First ulit si Marc and Rovil. Eliminated si Brett and Kinar.
  • Naaksidente sina Pam and Van. 7th sila though
  • Pumunta sila Hongkong - the money-counting country
  • Then nag New Zealand sila.
  • So far, the coolest leg ever. I love the Spookers route info!
Post Survivor China

  • Denise won Reward. Haha.
  • Peih-gee won immunity
  • Erik voted out (4-2) [to todd]
  • Peih-gee or Todd for the win!
  • Eliminate Amanda... the dark horse!
Pre Eviction Night.

  • I don't care whether it's Jon or Donnie. Just save Will!

Blog EntryAmazing Race, Survivor and PBB ClippetsNov 20, '07 7:48 AM
for everyone
AMAZING RACE

Bet ko sina Azaria and Hendekea at si Ronald and Christina. Haha. Isa-isang naaalis ang mga ayaw ko sa race tulad ni Ari and Staella, Kate and Pat at Marianna and Julia. Kewl na kewl ang mga countries na pinupuntahan nila ngayon. Umuulan ng first time sa Amazing Race! Pumunta na nga silang Ireland at Burkina Faso. Pupunta pa raw sila ng Lithuania! Woohoo!

Matindi pa rin ang kapit ng Gramps team Nicholas and Donald. Si Lorena and Jason naman eh muntik nang maeliminate last leg. Kamukha pa naman ni Mark Wahlberg si Jason. The best naman ang Detour sa Burkina Faso na Teach or Learn. Nagamit ni Azaria and Hendekea ang kanilang memorization powers kaya sila'y nagtagumpay sa laban. Keeewl!

SURVIVOR

Di ako nakapanood ng Survivor last Friday. Haha. Nabalitaan ko na lang na naalis na pala si Frosti dahil si Peih-Gee ang nanalo sa immunity challenge. Haha. Bet ko manalo si Peih-Gee or Erik.

Trivia: Kamukha ni Jonell si Frosti

PBB

Haha. Anlaki ng epekto kay Riza ng Mock Nominations. Pero gusto ko yun dahil mapapalapit si Will kay Riza ngayon. Kaso, si Jon ang umeeksena eh. Nako. Paano na ang aking peyb loveteam. Go Mariel. Use your epal powers!

Blog EntryPBBCE2 Titles at Survivor ReactionsOct 20, '07 11:59 AM
for everyone
Nako. Commercial Break ng PBB.

Tulad ng pinromise ko, magcocomment na ako sa mga titulo nila.

  • Will (True Lover) - Putek. Simula pa lang ng pagpapakilala, yan na agad ang title na bubungad sakin? Ako rin naman ah. True Lover. JOKE na malaki! Pero nice naman ang title na yan. Dapat niya itong panghawakan
  • Megan (The Princess of Charm) - Charming naman itong si Megan para sa akin. Ewan ko pero I understand conyos na! They're like parang you know.. They are like us only they are more sensitive to things.
  • Riza (Desirable Diva) - Desire nga ang dulot nitong hot beauty queen na ito. Napatibok na niya agad ang puso ng ating resident True Lover. Haha. Ei, may Will-Riza Fans Club na ba? Vice President dapat ako ha!
  • Ruben (Komedyanteng Promdi) - Akala ko nung una si Empoy. Pero elibs ako sa Budots Dance. Ok naman siya. He does his role in the house. Masaya naman ang mga scenes niya lalo na with Ethel. Ang lame nung title nya.
  • Yayo (Mom in Distress) - Grabe. Siya na talaga ang mananalo dito. Ang lame din nung title niya. Dapat mas intriguing ang title niya, tulad ni Victor.
  • Victor (The Lonely Dreamboy) - Yun ang pamatay. Gusto ko sanang yan ang maging title ko sakaling mag PBB ako. Pero nakuha na niya eh.
  • Baron (Wild Child) - Wild talaga ang artistang ito. May Scarface pa talaga eh.
  • Marylaine (Brainy Babe) - Brainy nga itong 26k na ito, ngunit hindi naman niya ipinapamalas sa loob ng bahay. Don't worry, may time pa to change.
  • Jen (Despised Babe) - Ka despise despise ang unang impression mo sa kanya. Ngunit pag lumaon ay maaadapt mo na rin ang kanyang ugali. Di ko na siya ayaw.
  • Donnie (The Good Brother) - Mukha namang good kuya itong si Donnie. Kayang kaya niya ipagtanggol si Baron. Sino yung nagscar kay Baron? Patay patay yun.
  • Gaby (The Racing Goddess) - Wala man lang thrill sa pangalan. Dapat intriguing nga tulad ng "The Gloomy Driver". Isang Malaking JOKE.
  • Mcoy (The Real MCoy) - Kanino kaya nababagay ang title na yan? Kay Ethel? Nako...
  • Zara (The Poor Beauty Queen) - Kala ko pa naman, si Melanie Marquez na to nung una kong marinig ang title niya. Hindi ko pa rin siya kilala hanggang ngayon.
  • Jon (The English Outcast) - Parang parte naman ng World History Books si Jon dahil sa title niyang ito. Pero cool pa rin ang title. Mapapaisip ka.
  • Ethel (The Ultimate Pasaway!) - Oo. May exclamation point nga sa huli. Di rin intriguing. Nababagay ang "Sex Video Queen" sa kanya.
~~

Survivor naman!

Naalis itong si Aaron dahil nga sa tribal shuffle na nangyari. Si Frosti at Sherea ay napunta sa Fei Long samantalang si Aaron at James ay napunta sa Zhan Hu. Nagpatuloy na naman ang losing streak ng Zhan Hu kahit na nagpalitan na ito ng mga members. Sinasabi nilang ipinatalo ng Zhan Hu ang immunity challenge dahil it will help them strategically.

Naniniwala ako sa strategy ni Peih-Gee. Kelangan nga nilang magpatalo upang mapaalis ang "Fei Long" members sa kanilang tribe. Dahil kung mananalo sila, Maaalis itong sina Frosti at Sherea. Kung mag memerge ang dalawang tribong ito ay magkakaroon sila ng 5-5 na statistics. Mas magiging enjoy ang laban. Sino kaya ang magbabackstab?

~~

Nominated ang 26k duo at si Megan.

Dahil mas gusto ko si Megan..

Text BB 2 and send to 2331 (Globe and affies), 231 (Smart and affies)

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Chris Vincent All rights reserved.