And I am not excited.
Kasi.. base sa mga prof.. This sem will be HELL for me.
May 7:00 class pala ako bukas. Tapos ang uwian ko ay 6:00 pm. Sana naman tamarin pa magklase si Atienza para naman may breaks ako bukas.
~
Natapos ko na pala iDL ang Season 4 ng Desperate Housewives. Kung gusto niyo ng kopya.. bigyan niyo ako ng blank DVD. Buti naman at naaccomplish kong tapusin ang Desperate Housewives ng buong summer. Happy pa rin naman ako at magkasama pa rin sina Mike and Susan next season [although magdidivorce sila eventually]. I just wish na ang kwento nila ay tulad ng kay Gabby at Carlos.
So far, the best ang Tornado Episode nila, saka rin yung Finale. Nakakahanga talaga si Marc Cherry for making a one of a hell great story mula sa mga magkakapitbahay.
~
Tapos ko na ring iDL ang Chuck. Pero di ko pa natatapos panoorin. Itatry kong isa-isahin ang episodes during school nights until matapos ko ito.
~
Then off na ako para panoorin ang mga ipinaburn ko kay Toni. [So far, Juno at The Simpsons Movie pa lang ang napapanood ko dun]. Panonoorin ko rin pala ang Made of Honour na katatapos ko pa lang iDL. At ngayon, matiyaga akong naghihintay sa diniDL ko na Enchanted. Yahoo!
~
Nakakainis na natalo si Robi ng 30k votes laban kay Ejay. I mean, do you want a big winner who doesn't know the No Parking Sign. Alam ko na galing siya sa isla pero tumapak naman siya sa Manila a year ago. Sana man lang, nakapagtanong siya kung ano ang meaning ng sign na ganito and ganyan. Well, Ejay chose to be Ejay.
Win or Lose, It's Robi We Choose! Yahoo! GO Robilievers!