Carl's posts with tag: tv

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag tv
Blog Entry2 more reasons to be happy about in September.Aug 20, '08 7:00 AM
for everyone
1. May Balls at Star Sports Channel kami!

Kaya mapapanood ko ang US Open! Madefend kaya ni Federer ang Top 1 Spot? As of August 18, Number 1 si Nadal, Number 2 si Djokovic at Number 3 si Federer.

2. Sa September 11 na pala ang The Amazing Race Asia.

What a great september for all of us. May maganda rin palang naidulot yung Writers Strike.

Blog EntryNever trust PiratesMay 9, '08 8:06 AM
for everyone
Well. Kulang kasi ng isang episode ang aking Desperate Housewives Season 3 DVD. Buti na lang,  12th episode lang yung kulang tapos 13th episode eh walang audio, at least I can download it using torrents.

~~

Ang isa pang weird eh yung Grey's Anatomy, nalaman kong Season 1 has 9 eps only. Then my DVD has 12. Wow! Anyways, kung sino may DVD ng season 3 dyan.. pahiram naman.

~~

Nashock ako na natapos ko na pala iDL ang episode 5 ng Chuck. 2 episodes ahead na ako sa Philippine TV Showing nito. Yahoo!!

~~

Pansamantalang kinancel ko muna ang pagdiDL ng Pushing Daisies to give way to Desperate Housewives. Di ko kasi naabutan ang premiere nito nung Tuesday. Pero dahil sa aking researching powers, SUPER salamat sa clickthecity.com, napag-alaman kong eto ang replay schedules ng Pushing Daisies sa 2nd Avenue.


Wednesdays at 2:00:PM on 2nd Avenue
Wednesdays at 4:00:AM on 2nd Avenue
Tuesdays at 8:00:PM on 2nd Avenue
Mondays at 10:00 AM on 2nd Avenue
Mondays at 4:00:AM on 2nd Avenue
Sundays at 9:00:PM on 2nd Avenue
Grabe. Ngayon lang kayo siguro nakakita ng taong nagooverlap ang schedules sa panonood ng TV.

~~

May Paradise Hotel pala sa Velvet. Kinaadikan ko ito nung Third Year High School ako nung pinapalabas pa ito sa RPN. Ngayon, nakuha ng Velvet ang rights. Sad to say, kaConflict to ng PBB, pero not for long! Ang replay kasi nito eh Wednesday, 9:00 pm. Ang original schedule nito eh Monday, 1:00 am kaya malabong makapanood ako in that schedule. Matapos lang ang PBB sa June, makakapanood na ako ng Paradise Hotel ng walang conflicts.

~~

Speaking of Conflicts, sa Monday na pala ang Enlistment ng Upperclassmen ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang ibig sabihin lang nito eh matinding dasalan every Friday para makuha ang slots sa mga inaasam naming subject. Good Luck guys!

~~

Naalis pala si Jason Castro sa American Idol. Owell, Rajo Laurel. I want Syesha to be out next para magkaalamanan na ang 2 David kung sino ang mananalo. Kung matira man si Syesha sa finale eh mawawala ang thrill kasi it is obvious na isa sa mga David ang mananalo sa season na ito. As for me, Dcook for the mother fcking win [FTMFW]!

Blog EntryValentine's DayFeb 14, '08 12:03 PM
for everyone
Ngayong araw, andaming:

Text Messages - tinopak pa ang Globe dahil dito.
Flowers - ngunit wala namang nakakaamoy sa bango ng mga ito.
Chocolates - na nakakasira ng ngipin.
Teddy Bears, rings, accessories, soaps, pillows, perfumes - na kulay red or pink or mukhang sweet.
Cookies, brownies - na ubod ng mahal.
Mga Emo na tao - nagpapakalat ng love quotes.
Kumakanta ng love songs - on the good side, nagpapaaliwalas ng surroundings.
Mga Bitter na tao - duh.
and many more.

Valentine's Day.
14 ng Pebrero kada taon.

Ito pala ang araw ng sacred marriage nina Zeus at Hera [Juno at Jupiter kung maka-Roman mythology kayo]. Dati pala, in Roman times, may festival na nagaganap kung saan ang mga pangalan ng mga babae ay inilalagay sa isang jar then bubunot ang mga lalaki kung sino ang magiging partner nila sa festival na yun. Some partnerships even last a lifetime.

Pero kung bakit Valentine's Day ang tawag sa araw na ito ay walang kasing obvious na dedicated ito kay St. Valentine. Itinalaga ni Pope Gelasius ang Feb 14 bilang Valentine's Day para parangalan ang martir na ito. Ang kwento kasi, pinacancel ni Emperor Claudius ang lahat ng kasalan sa town, then Valentine, a priest, secretly married them. [bitter si Claudius. Joke] Kasi, wala nang marecruit si Claudius na mga sundalo at sinisisi niya ito sa pagpapakasal ng mga lalaki.

VDay is a state of Emergency. People are self-destructing now. Dangerous lapitan ang bawat isa. The end.

~~

TV Tidbits
  • Amazing Race Asia - Kabadtrip. 3rd lang sina M/R.
  • American Idol - Top 12 Boys on Wednesday!
  • Survivor - Ozzy and Amanda!! Woohoo!
  • Big Brother 9 [US] now up.

Blog EntryIsang Scandal na hindi ko malilimutan.Jan 9, '08 8:51 AM
for everyone
Babala: Hindi ito para sa mga virgin pa ang isipan.
Isang araw, naglalakad ka sa isang deserted street, nang biglang may dumakma ng pagkalalaki mo. Tapos...
..................................
...........................................
...............................................
................................................
...............................
.................
...................................................
.................................................

Joke lang. Interesado ka no? Irereveal ko lang ang aking mga celebrity crushes. Actually dalawa lang sila.

Taylor from Kid Nation. - Haha. Pedophile. Kapag tumanda ito, nako. 7 years lang naman ang age gap namin. Haha. Binilang eh.

Riza Santos - Enough said.


Blog EntryMapapamura ka talaga ng "PI"Jan 6, '08 9:33 AM
for everyone
Recently, hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagmumura ng PI. Pero not in public, sa sarili ko lang. And I do it a lot kapag nanonood ako ng TV [Not a lot, but all the time].

Anu ang mga bagay na nakapagpapamura sakin these days?

  • Kapag umiiyak si Sam Milby.
  • Kapag nagpapacute si Sam Milby.
  • Kapag kissing scene na ni John Lloyd at Bea nung time na tweetums pa sila.
  • Acting ni Gerald Anderson.
  • Boses ni Kim Chiu.
  • Cornyness ni Marc and Rovilson [Magnum Pi]
  • Moments ni Will at Riza [Kasi nakakakilig, kaya napapamura ako]
  • Kapag umarte na si Victor Basa.
  • Kapag kumanta si Will, with his monotonous voice.
  • Kapag napanood kong umarte ang mga binatilyo ng Abt Ur Luv.

Blog EntryThe "Amazing" Amazing Race 12.Nov 27, '07 9:28 PM
for everyone
Naalis si Mark Wahlberg, Really.

Pagkatapos ang isang nakakatuwang leg sa Ouagadougou, Burkina Faso, nagkaroon na naman ng mas nakakatuwa pang leg sa parehong kawntree.

Umalis na nga ang 8 teams mula sa Boulkiemde village na tinuluyan nila. Tapos pinuntahan nila ang tribal chief ng village upang kunin ang next clue. As a sign of respect, kailangan nilang kumuha ng isang chicken. Ikanga, "No Chicken, No Check-in".

Nakuha ang title ng episode na ito sa sinabi ni Shana na "Let's name our Chicken Phil". Tapos pinakita ang isang scene kung saan ang buhok ni Phil ay mukhang pang chicken. Haha.

So ayun nga. Napunta sila sa Bouda-Pelegtanga, Yako, Passore dun sa Burkina Faso pa rin kung saan may Detour. Shake your pan or Shake your Booty

Shake your pan - Kukuha sila ng 1 ounce of gold mula sa isang mining hole. Haha. Isheshake nila ang pan para maseparate ang tubig at putik dun sa ginto nila.

Ginawa nina Nicholas and Donald, TK and Rachel at sina Lorena and Jason [U-turned]

Shake your booty - Mag-aaral sila ng isang tribal dance at ipeperform nila sa harap ng 3 celebrity judge. Kapag di nila nagustuhan, magkakaroon ng 10 min penalty ang team bago nila makuha ang next clue.

Ginawa nina Azaria and Hendekea, Nathan and Jennifer [10 min penalty], Ronald and Christina [10 min penalty], Kynt and Vyxsin, Shana and Jennifer at si Lorena and Jason [Original na ginawa]

<b>SINGIT - Nathan's dance was the most hilarious thing I've ever seen in this game</b>

Pagbukas nila ng clue, punta daw sila ng Pelegtanga Market pero may

CAUTION: U-TURN ahead.

A U-turn is found after a detour, and it is an advantage to force another team to do the part of the detour they didn't do, causing them a lot of time.

Ang pinakaunang na U-turn sa kasaysayan ng Amazing Race ay sina Lorena and Jason, ang mga traydor ay sina Shana and Jennifer.

Akala kasi nila ay ang palapit na team mula sa kinalulugaran nila ay sina Lorena and Jason, only to find out na sina TK and Rachel pala iyon. How sad. Last na nga sila, pina-last pa lalo. Haha.

Then, pinabalik na sila ng Ouagadougou para pumunta sa Tampouy Goat Market kung saan matatagpuan ang kanilang Roadblock na magdeliver ng pagkadamidaming mga gamit [including a small goat].

Ginawa ito nina Azaria (3), Jennifer [ni Nathan] (2), Christina (3), Nicholas (5), Vyxsin (3), Shana (3), Rachel (2), at Jason (3)

Then, proceed to the next pit stop, Hotel de Ville, na sabi ni Franz eh ang tahanan ng mayor.

Placings

1st Azaria and Hendekea [WOOHOO! Go Bets!]
2nd Nathan and Jennifer
3rd Ronald and Christina
4th Nicholas and Donald
5th Kynt and Vyxsin
6th Shana and Jennifer
7th TK and Rachel
8th Lorena and Jason - PHILIMINATED.

Ayun. Next episode sa Lithuania sila! Woohoo!

Blog EntryAmazing Race, Survivor and PBB ClippetsNov 20, '07 7:48 AM
for everyone
AMAZING RACE

Bet ko sina Azaria and Hendekea at si Ronald and Christina. Haha. Isa-isang naaalis ang mga ayaw ko sa race tulad ni Ari and Staella, Kate and Pat at Marianna and Julia. Kewl na kewl ang mga countries na pinupuntahan nila ngayon. Umuulan ng first time sa Amazing Race! Pumunta na nga silang Ireland at Burkina Faso. Pupunta pa raw sila ng Lithuania! Woohoo!

Matindi pa rin ang kapit ng Gramps team Nicholas and Donald. Si Lorena and Jason naman eh muntik nang maeliminate last leg. Kamukha pa naman ni Mark Wahlberg si Jason. The best naman ang Detour sa Burkina Faso na Teach or Learn. Nagamit ni Azaria and Hendekea ang kanilang memorization powers kaya sila'y nagtagumpay sa laban. Keeewl!

SURVIVOR

Di ako nakapanood ng Survivor last Friday. Haha. Nabalitaan ko na lang na naalis na pala si Frosti dahil si Peih-Gee ang nanalo sa immunity challenge. Haha. Bet ko manalo si Peih-Gee or Erik.

Trivia: Kamukha ni Jonell si Frosti

PBB

Haha. Anlaki ng epekto kay Riza ng Mock Nominations. Pero gusto ko yun dahil mapapalapit si Will kay Riza ngayon. Kaso, si Jon ang umeeksena eh. Nako. Paano na ang aking peyb loveteam. Go Mariel. Use your epal powers!

Blog EntryPBBCE2: Unang BanatOct 14, '07 9:47 PM
for everyone
Bumabalik na naman ang PBB Addict.

Well, as usual, sinubaybayan ko na naman ang PBB kahapon. Loyal kung tuturingin, pero feel ko, ilan na lang kaming mga nakakaappreciate ng kagandahan ng isang reality show. It may be scripted, pero may percent pa rin sa show na yun na totoo. I feel naman na hindi scripted (with a director and stuff) ang PBB. They just initiate situations kung saan mailalabas ng mga housemates ang kanilang mga reaksyon towards that moment. Scripted, dahil pinapaikot ng PBB ang buhay ng mga tao sa loob ng bahay. Pero hindi scripted dahil sila pa rin ang bahala kung ano ang gagawin nila sa sitwasyon na ganito, kung saan paglalaruan sila ng mga tao sa paligid.

Ok, bago pa ko magdrama, uunahan ko na ang emosyon na ito sa pamamagitan ng pagrereact sa unang 10 housemates sa PBBCE2.

  1. Will Devaughn  - Hindi ko siya kilala by face. But I know he is a model. Di ko lang talaga maalala ang hitsura niya. Di bale, maaalala ko rin siya. Mabibigla na lang ako kung makita ko siya kung saan saang commercial. I think he will be eliminated at the middle.
  2. Megan Young  - Kalilipat lang galing siyete. She surely made the right choice of joining PBBCE2. Makikilala na natin siya more than her other Starstruck mates. Maeeliminate siya pagkatapos ni Will Devaughn..
  3. Riza Santos - Isang soldier na beauty queen. Maganda naman siya, in fairness. Maaalis bago mag Big 4.
  4. Ruben Gonzaga - I want to learn the Budotz Dance. Makikita niyo kong isasayaw ko yan habang nasa UP. (haha) Obviously, the comedic savior of PBBCE2. Isa sa Big 4.
  5. Victor Basa - Mala Zanjoe ng batch na ito. As in talagang mala Zanjoe na hindi gagawa sa loob ng bahay etc. Isa sa Big 4.
  6. Yayo Aguila - Syempre, kailangan ng rep na katulad niya. Alangan namang puro bata ang papasok? Isa sa Big 4.
  7. Baron Geisler - No Comment. Maaalis ng maaga. Siya ang dahilan kung bakit maaalis din si Donald Geisler.
  8. Marylaine Viernes - Haha. Syempre kailangan ng Deal or No Deal sa ganunan. Maaalis ng maaga dahil kay Jen De Silva.
  9. Jen De Silva - Manonominate agad to. Maaalis din agad. Period.
  10. Donald Geisler - Maganda sana na nasa loob siya ng bahay ngunit sa twist eh maaalis siya dahil kay Baron.

Sayang at wala na si Ethel Booba. Nag back out kasi. It's nice to have her there. Nako. Ang alam ko lang sa mga susunod na papasok eh si Mcoy Fundales.

_fin_

Simultaneous post sa http://carlthehero.blogspot.com

[edit]

ilalagay ko na lang ang comments ko sa mga titles nila sa susunod na post. nakalimutan ko eh

[/edit]

Blog EntryPadre Salvi: The Frustrated DreamerAug 1, '07 9:24 AM
for everyone

[singit] Wah. Nakita namin si Ramon Bautista sa UP Film Institute kanina. Kasama ko si Tim Ang dahil gusto ko sana makanood ng Casa. Star struck kami pareho pagdaan namin sa Hallway. Haha. Sayang, di namin nairecord ang plate number ng kotse niya. Sa dami ng mga artistang nakikita kong pakalat-kalat sa UP, kay Ramon Bautista lang ako na struck. Ewan ko kung bakit. [/singit]

Di ko pinili ng lubusan ang kursong ECE. 2/3 of the decision was made by my Mom. Acually, pinipilit ako ng Dayandante at David Clan na mag doctor na lang. Masyado silang confident sa aking intellectual capacity. Pero napansin naman ni Mama na medyo naisip ko na hindi ko kakayanin magdoctor, kaya she offered me a second decision. Nung sinabi kong I want to try Engineering, sabi niya agad, ECE. Wala naman akong magawa. Nasilaw din ako sa kapalaran ng aking mga ka-angkang inhinyero. Lahat sila eh may tsekot at malaking bahay. Syempre gusto ko din nun.

Pero puteeehk, pagpasok ko ng ECE, tumambad na sa akin agad ng ES1 [Sawa na kayo sa ES1, I won’t elaborate.] May naririnig pa akong stories mula sa aking mga kaklase na 20% lang ng mga tsismosa/o ang nakakaalam kung anung ibig sabihin ng ECE.

Tsismosa: Saan ka nag-aaral?

Ako: Sa UP Diliman po.

Tsismosa: Wow! [expected kong sasabihin niya] Anu course mo?

Ako: ECE po.

Tsismosa: Anu yon?

The only course they said that is the most related to ECE was Electrical Engineering. Kwento ng blockmate ko, ang sabi daw ng friend niya, Chemical Engg daw ang ECE. Wah. Chem16 lang ang natatangi naming Chemistry. Feeling ko, siya rin yata yung nagsabi na madali lang ang ES [Environmental Science pala yun sa kanila, sauce!]

Upang tapusin ang pag mumukmok ko about ECE, iseshare ko sa inyo ang aking views about imagining myself in another jobs. Dream Jobs, ika nga. Eto ang aking Top 3 Dream Jobs:

  1. Yoga Instructor - Inspired na inspired mula kay Aras Baskauskas, ang Survivor: Exile Island Sole Survivor. Ang cool lang kasi ng lifestyle niya. You earn a living while relaxing. Kahit donation basis lang ang kinikita nila, mapipilitan naman ang mga customer [especially matronas] na magbigay ng malaking amount. Dapat lang na bayaran ka nila, nilasap nila ng tingin ang iyong uber sexy body eh.Cool din kapag tinanong ako ng kung sinong tsismosa dyan, “Anung trabaho mo?”. Syempre isasagot ko, “Yoga Instructor”. Nosebleed sila after.

  2. Print Ad Model - Pwede kong ipang sideline kung Yoga Instructor ako. Kapag tinanong na ako ngayon, ang isasagot ko, “Yoga Instructor-slash-Model”. Bloodshed level na to. Usually naman, lahat ng instructor ng Yoga eh sexy. Tapos lalabas ka sa Cosmo etc. with my uber cool pose. Naks! Sikat na ko! Pag-aagawan ako ng Bench, Penshoppe, Levis, Wrangler, Oxygen at Human. Haha. Pero kung ako tatanungin, I would like to sport out a Suit Attire. Cool lang talaga siya.

  3. Pulis/Detective - Gusto ko ung mala-CSI na trabaho. [In our case, SOCO]. Astig nga yung bababa ka sa Santolan Station ng MRT [The MOST interactive station in MRT] tapos naka police attire ka. You somewhat create a sense of authority towards the people around you. Cool din yung blue uniform minus the super beer belly.

  4. Film/TV Director - Kakapanood ko pa lang ng On the Lot kanina. I was truly inspired by their works [Obvious naman na hindi ako mahilig maglagay ng short films nila dito]. Nako, kung mas creative lang ang mind ko, at hindi problema financially ang pag-aaral ko ng film. Haha, may solusyon ngayon dyan sa problema ko. Take Film10! Haha.

  5. Disneyland Crew Member - Kelangan talaga DISNEYLAND eh. Ewan ko. Dun ako nag-enjoy sa Hongkong Trip namin last year. Cool kaya yung uniform nila. Saka ang kyut nila mag-English. Hindi lang naman sa HK Disneyland gusto kong magtrabaho. Pwede rin sa Tokyo, LA etc. Pede rin naman sa Universal Studios [One of the firsts in my itinerary the moment na yumaman na ako] Basta, OK lang sakin yung taga assist ng seatbelt ng mga bata. Wala lang.

  6. Hero - Hindi yung hero na tipong Jose Rizal. Yung hero na may helix gene! As in Hiro Nakamura. Napag-isip isipan ko na ang magiging power ko. Dahil bawal ang magkaparehong powers sa mga Heroes, ang magiging power ko ay Vision-related. [e.g  Adjustable X-ray Vision, 360 Degree Sight, Telescopic eyes at Microscopic eyes.] O diba, uber astig?

  7. Steward - Kung gaano ako nag-enjoy sa Disneyland, ganun din ako nag-enjoy sa Eroplano. Makaka travel ka into different places at binabayaran ka pa. Cool din ang pagpapalit nila ng costume every 15 minutes. [Oo, 2 hrs lang ang flight pero naka ilang palit sila ng costumes].


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Chris Vincent All rights reserved.