Carl's posts with tag: uaap

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag uaap
EventEXAM DAW SA 33 + Cheerdance Competition.Aug 23, '08 11:23 AM
for everyone
Start:     Sep 7, '08
Location:     UP at Araneta
Kainis naman. Sana naman may conflict schedule ang EEE 33. Or better yet, ilipat ng araw. Sabi ni Rico eh may field trips pa raw ang ibang subjects sa araw na ito.

Kawawa naman kaming mga PE na Cheerleading. Kung di pa kayo nakakakuha ng Cheerleading, isa lang naman ang CDC sa mga hinding hindi mo dapat absenan na events. Kundi, singko ka. Ok lang sana kung may substitute ang event na to. Eh sadly, di naman sasagi sa isip ng CHK na may magpapaexam (e.g EEE) sa araw ng Linggo.

Kakausapin ko pa tuloy ang both sides tungkol dito.

Ba yan. Cheerleading na nga lang ang chansa ko para magkaroon ng 1.00.

Blog EntryUP Fighting Maroons: 1-1Jul 12, '08 4:51 AM
for everyone
Wah. Natalo ang mga manok natin laban sa UST.
94-75.

Pero keri lang. 1-1 naman eh. May 12 games pang nag-aantay para ipanalo. AT mas maganda ang routines natin kanina sa half time. HAHA.

UP FIGHT!
Go UP MBT!

Blog EntryNakakapagod mag-UAAPJul 5, '08 5:27 AM
for everyone
Syempre, dahil masisingko ako sa Cheerleading kung di umattend, nandun ako sa araneta kanina. Actually, sa sobrang excitement ko, kaming dalawa ni Martin + Ilang Maksci Peeps [na 08] ang nanguna sa pila ng Gen Ad [poor lang kami, at nandun ang pep squad for easy stamping]. And, obviously, we got the best seats in Gen Ad. [Basta malayo ka sa drums at nakakaupo ka pag commercial]. Mautak din ang UP at inilagay ang UP section na nakatapat sa "audience" kaya hindi mga likod ng mga performers ang nakikita namin.

Tapos, ang isa pang swerte namin eh kami ang unang pinirmahan ng Pep Squad Girl sa lugar namin. Kaya naman di na kami pumila at sumiksik sa drummers para magpa stamp.

Nakakatuwa sa Gen Ad kasi kayo ang magstastart ng sigawan. Nung hindi pa nagsisimula ang palabas.. kabi kabilaan ang pasiklaban ng drums. Sumali rin kami pero wala na talagang tatalo sa energy ng UE, parang every minute silang nagdadrums. Napansin ko lang na Missing in Action ang drummers ng Ateneo. Nagreready na siguro bukas kasi magsisimula na naman ang laban ng Ateneo at La Salle.

At isa pa pala, UP ang may pinakamaraming tao sa Gen Ad at UpperBox. Wala lang. Andaming nagkalat sa Gateway pagkatapos ng Opening Ceremonies.

EventUP Men's Baskeball first game!Jun 22, '08 10:01 AM
for everyone
Start:     Jul 6, '08 11:00a
Location:     Araneta Coliseum
UP vs NU.. ang pinakaaabangan ng lahat! Haha.

[Kasi naman.. pagkatapos nun eh Ateneo vs Lasalle]

EventUAAP OpeningJun 22, '08 9:59 AM
for everyone
Start:     Jul 5, '08
Wear those CHL shirts.. again. 2nd sabak ng CHL pips.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Chris Vincent All rights reserved.