Carl's posts with tag: up

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag up
Blog EntryUP Fighting Maroons: 1-1Jul 12, '08 4:51 AM
for everyone
Wah. Natalo ang mga manok natin laban sa UST.
94-75.

Pero keri lang. 1-1 naman eh. May 12 games pang nag-aantay para ipanalo. AT mas maganda ang routines natin kanina sa half time. HAHA.

UP FIGHT!
Go UP MBT!

EventUP Men's Baskeball first game!Jun 22, '08 10:01 AM
for everyone
Start:     Jul 6, '08 11:00a
Location:     Araneta Coliseum
UP vs NU.. ang pinakaaabangan ng lahat! Haha.

[Kasi naman.. pagkatapos nun eh Ateneo vs Lasalle]

EventUAAP OpeningJun 22, '08 9:59 AM
for everyone
Start:     Jul 5, '08
Wear those CHL shirts.. again. 2nd sabak ng CHL pips.

EventUP Pep RallyJun 22, '08 9:52 AM
for everyone
Start:     Jun 30, '08 5:00p
Location:     UP Theater
Unang event na papanoorin ng CHL class! Yahoo!

Blog EntryPasukan na Bukas.Jun 9, '08 1:21 AM
for everyone
And I am not excited.

Kasi.. base sa mga prof.. This sem will be HELL for me.

May 7:00 class pala ako bukas. Tapos ang uwian ko ay 6:00 pm. Sana naman tamarin pa magklase si Atienza para naman may breaks ako bukas.

~

Natapos ko na pala iDL ang Season 4 ng Desperate Housewives. Kung gusto niyo ng kopya.. bigyan niyo ako ng blank DVD. Buti naman at naaccomplish kong tapusin ang Desperate Housewives ng buong summer. Happy pa rin naman ako at magkasama pa rin sina Mike and Susan next season [although magdidivorce sila eventually]. I just wish na ang kwento nila ay tulad ng kay Gabby at Carlos.

So far, the best ang Tornado Episode nila, saka rin yung Finale. Nakakahanga talaga si Marc Cherry for making a one of a hell great story mula sa mga magkakapitbahay.

~

Tapos ko na ring iDL ang Chuck. Pero di ko pa natatapos panoorin. Itatry kong isa-isahin ang episodes during school nights until matapos ko ito.

~

Then off na ako para panoorin ang mga ipinaburn ko kay Toni. [So far, Juno at The Simpsons Movie pa lang ang napapanood ko dun]. Panonoorin ko rin pala ang Made of Honour na katatapos ko pa lang iDL. At ngayon, matiyaga akong naghihintay sa diniDL ko na Enchanted. Yahoo!

~

Nakakainis na natalo si Robi ng 30k votes laban kay Ejay. I mean, do you want a big winner who doesn't know the No Parking Sign. Alam ko na galing siya sa isla pero tumapak naman siya sa Manila a year ago. Sana man lang, nakapagtanong siya kung ano ang meaning ng sign na ganito and ganyan. Well, Ejay chose to be Ejay.

Win or Lose, It's Robi We Choose! Yahoo! GO Robilievers!

Blog EntryNever trust PiratesMay 9, '08 8:06 AM
for everyone
Well. Kulang kasi ng isang episode ang aking Desperate Housewives Season 3 DVD. Buti na lang,  12th episode lang yung kulang tapos 13th episode eh walang audio, at least I can download it using torrents.

~~

Ang isa pang weird eh yung Grey's Anatomy, nalaman kong Season 1 has 9 eps only. Then my DVD has 12. Wow! Anyways, kung sino may DVD ng season 3 dyan.. pahiram naman.

~~

Nashock ako na natapos ko na pala iDL ang episode 5 ng Chuck. 2 episodes ahead na ako sa Philippine TV Showing nito. Yahoo!!

~~

Pansamantalang kinancel ko muna ang pagdiDL ng Pushing Daisies to give way to Desperate Housewives. Di ko kasi naabutan ang premiere nito nung Tuesday. Pero dahil sa aking researching powers, SUPER salamat sa clickthecity.com, napag-alaman kong eto ang replay schedules ng Pushing Daisies sa 2nd Avenue.


Wednesdays at 2:00:PM on 2nd Avenue
Wednesdays at 4:00:AM on 2nd Avenue
Tuesdays at 8:00:PM on 2nd Avenue
Mondays at 10:00 AM on 2nd Avenue
Mondays at 4:00:AM on 2nd Avenue
Sundays at 9:00:PM on 2nd Avenue
Grabe. Ngayon lang kayo siguro nakakita ng taong nagooverlap ang schedules sa panonood ng TV.

~~

May Paradise Hotel pala sa Velvet. Kinaadikan ko ito nung Third Year High School ako nung pinapalabas pa ito sa RPN. Ngayon, nakuha ng Velvet ang rights. Sad to say, kaConflict to ng PBB, pero not for long! Ang replay kasi nito eh Wednesday, 9:00 pm. Ang original schedule nito eh Monday, 1:00 am kaya malabong makapanood ako in that schedule. Matapos lang ang PBB sa June, makakapanood na ako ng Paradise Hotel ng walang conflicts.

~~

Speaking of Conflicts, sa Monday na pala ang Enlistment ng Upperclassmen ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang ibig sabihin lang nito eh matinding dasalan every Friday para makuha ang slots sa mga inaasam naming subject. Good Luck guys!

~~

Naalis pala si Jason Castro sa American Idol. Owell, Rajo Laurel. I want Syesha to be out next para magkaalamanan na ang 2 David kung sino ang mananalo. Kung matira man si Syesha sa finale eh mawawala ang thrill kasi it is obvious na isa sa mga David ang mananalo sa season na ito. As for me, Dcook for the mother fcking win [FTMFW]!

Blog EntryCollege Survey AgainApr 18, '08 10:14 AM
for everyone
galing kay kuya sep


ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?
UP DILIMAN: BS ECE
UP LOS BANOS: hindi ako nag elbi. UP MANILA: BS Nursing [grabe.. triple quota pa to]
UST: BS Nursing
ATENEO: BS Management Engineering
LASALLE: BS ECE

SECOND CHOICE?
UP DILIMAN: BS BAA [super pangarap eh]
UP LOS BANOS: UP MANILA: BA Behavioral Sciences
UST: BS Psychology
ATENEO: BS ECE
LASALLE: Shocks, I forgot. basta kumuha pa ko nun ng Double Major course.

ANONG COURSE KINUHA MO?
BS ECE sa UP Dil Syempre.

NAG-SHIFT KA BA?
Hindi [pa?]

NAKAPAG-DORM KA NA BA?
uwian ako.

NAKA UNO KA BA?
hindi [PA!]

NAGKA-3?
hindi [pa?] 2.00 pa rin ang lowest grade ko. yahoo!!

LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE?
lagi. i feel bad kung di ako nakakapasok

MAY SCHOLARSHIP KA BA?
iskolar ng nanay... --> pareho kami ni kuya sep

NANGARAP KA BA NA MAG-CUM LAUDE?
nangarap. pero hanggang "cum" na lang ako. wala nang laude.

BAKIT?
c'mon, engg college ko, eee dept ko. enough said.

FAVE PROF/S:
si ma'am ancheta, si sir minglana, si ma'am odessa, si sir tai [kasi 1.75 ako sa eee11], si sir barber [HAHA!]

WORST PROF:
si ma'am lapar. go g18! haha.

FAVE SUBJECT/S:
math17, chem16 [dahil kay..], eee11[kung saan lagi akong stressed at nawawalan ng pag-asa], duckpin

WORST SUBJECT/S:
kas2

FAVE BUILDING/s:  
MATH BUILDING --> dun kasi ako comfortable [pero ayaw ko magshift sa math]

PABORITONG KAINAN:
Nismed.

MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP?
depende sa driver. 8.75 ang up pantranco.

LAGI KA BA SA LIBRARY?

nung first sem kasi puro ge ako. ngayon na walang paper.. pag nag-aaral na lang sa math or chem. next sem.. mapapadalas ata.

NAGPUNTA KA BA SA GUIDANCE?
guidance nung hs? o guidance ngayon. kung nung hs, lagi.. kasi nagpapalamig ako dun. college? di ko nga alam kung saan eh.

MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS?
meron. isa. kilala niyo na.

ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO?
duckpin pa lang. haha.

KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO?
yung mga g18 na circuit na lang ang close ko. tapos may ilan ilang nakaka-hi! ko pa. yung iba.. tuluyan nang nawatak ang pagsasamahan namin. [as if meron]

MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER
SONG?
hindi. sa graduation na lang [after n years where n = the integral of the logarithm of the signum of x raised to ln x + square root of infinity]

Blog EntryEnd ng Sem - post ko sa WPMar 17, '08 12:26 PM
for everyone
Ngayon [12 am na pala] = End ng Sem
Sa Unibersidad na pinapasukan ko, ang end ng Sem ay may ibig sabihin na:
  1. May Finals ka pang aabangan.
  2. Pag-ikot mo sa ang buong unibersidad para maghanap ng iyong pre-final standing, nagbabaka sakaling ma-exempt ka sa pagkuha ng Finals.
  3. Pag-ariba ng mga professors sa kareremind na may make-up classes pa, kapalit ng absences nilang hindi ang estudyante ang may kasalanan.
  4. Pagkapagod ka sa karereview ng sakop ng buong asignaturang mahirap.
  5. Paghabol ng mga requirements na ipinagpalipas mo dahil “malayo pa naman ang deadline”.
  6. Pagharap sa isa na namang matinding enrolment pagkatapos ng iyong inaasam na bakasyon.
  7. Pagpaalam sa mga classroom crushes at seatmates. Umaasang pagsasamahin ulit kayo ng CRS.
  8. Pagpaalam sa mga inaasam na professors. Umaasang pagsasamahin ulit kayo ng CRS.
  9. Pagtakas sa mga prof na nagpapaulan ng singko o maaga mo nang natakasan dahil nagDROP ka na.
  10. Bawal nang humiram ng libro sa library o pagsauli na ng overdue na librong nung unang araw ng sem mo pa hiniram.
  11. Mag-aantay ka na lang sa CRS kung singko ka sa Class Card at saka makikiagaw sa enrolment para iretake ang subject.
  12. Langit para sa mga nagcram noong mga huling araw.
  13. Kasiyahan para sa mga gagraduate, University Scholars at College Scholars.
  14. Pagsubok para sa mga Undergrads at Maximum Residency Rule pips.
  15. Gawaan ng mga Do’s and Don’ts para sa susunod na sem. Hindi naman ito nasusunod.

Blog EntrySched + AI ResultsMar 7, '08 9:43 AM
for everyone
Eto pala ang aking summer sched, para sa aking mga stalkers.


Time Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday
07:00 AM - 10:15 AM Math 54 Z1-4  Math 54 Z1-4  Math 54 Z1-4  Math 54 Z1-4  Math 54 Z1-4 


Ayan. Math 54 lang. Me and Math 54.

~~

Kung nabasa niyo ang last post ko. I got 11/12 sa Fearless Forecast on the Top 12 Finalists ng American Idol. Na-sad lang ako na umalis si Danny Noriega. Wah. Haha. Nanood na lang ako ng Survivor Micronesia para mapahupa ang sakit na aking nadarama sa pagkaalis ni Danny.

Naalis si Joel "Truck" sa Survivor. Nagkaroon ng Tribal Shuffle.

Airai - Eliza, Penner, Parvati, James, Jason, Kathy, Alexis, Natalie [Won Immunity and Reward]

Malakal - Cirie, Ozzy, Amanda, Ami, Erik, Chet, Tracy, Joel



Blog EntryMabuhay ang mga di pinayagang mag UP Fair!Feb 11, '08 7:32 AM
for everyone
Haha. Di ako pinayagang mag-overnight at makipag rakrakan sa UP this week. Ang problema kasi, lagi akong humihingi ng permisong makapunta sa isang concert. Sasabihin nilang puro pasarap lang daw ang gusto ko then hindi ako papayagan. Ang totoo nyan ay never pa akong nakapunta sa isang rock concert. Diba ang saya ng college life ko ngayon?

Anyways, nagpagupit na pala ako. Naguguluhan na kasi ako sa aking Jonas Brothers na buhok kaya ipinagupit ko na ito sa barbero. Abangan bukas...

Busy busyhan lang ako ngayon sa school. Kaya hindi ako masyadong nakakaupdate.

Blog EntryUP SurveyJan 16, '08 5:28 PM
for everyone
Student number?
2007-16083

College?
College of Engineering

Ano ang course mo?
BS ECE

Nag-shift ka ba o na-kick out?
Hindi [pa]

Saan ka kumuha ng UPCAT? (Where did you take your entrance examination?)
College of Business Ad

Favorite GE (General Education) classes?
di mga GE ang peyb ko. wala. pero, dahil gusto ko ang walang ginagawa, kas2 at bio1

Favorite PE? 
Duckpin. kung pwede ko lang kunin to for 4 years

Saan ka nag-aabang ng hot guys/girls sa UP?
AS Lobby.

Favorite Professor(s)?
Ma'am Lapar [joke] Maam Odessa (math17), Teacher Aldrin (math53), sir jim (chem16)

Least favorite GE (General Education) class?
English 10. I like the personality of our prof though. I just don't like the major-like schoolwork.

Did you sign up for Saturday classes?
hindi. kasi lagi na kaming may test pag saturday

Nakapag-field trip ka ba?
HINDI PA. nacancel geog camp namin

Naging CS ka na ba or US sa UP?
CS ako nung first sem first year. 1.602

What Organization/Fraternity/Sorority were you a member of?
sasali pa lang ako ngaung second sem. sana matanggap ako. Ho UP Circuit!!

Saan ka tumatambay palagi?
AS Lobby. Tambayan ng Circuit (for tambay hours of course)

Dorm, Boarding house, o Bahay?
BAHAY.

Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun?
BAA, Psych (BS), Chemistry, Chem Engg

Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
kung hindi high school friends, syempre blockmates ko. i can't remember kung sino una kong nakilala sa kanila

First play na napanood mo sa UP?
As you Like it. Di ako nanood ng pasyon

Saan ka madalas mag-lunch?
Casaa, nismed. AS LObby - nagtetakeout from CASAA

Name the 5 most conyo orgs in UP.
di ko alam. siguro mga orgs sa econ at ba.

Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP.
di ko pa rin alam eh.

May frat/soro bang nag-recruit sa yo?
wala. di rin ako sasali. pinagbawalan ako ni inay

Masaya ba sa UP?
OO naman. super

Nakasama ka na ba sa rally? 
rally rallyhan. pero yung tunay, hindi pa.

Ilang beses ka bumoto sa Student Council?
zero.

Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
freshie pa lang ako. pinangarap ko nga yan. pero nung naencounter ko si eee31 at eee1, wala na. magcu cum na lang ako. HAHA.

Kanino ka pinaka-patay sa UP?
patay na patay ako kay OBLE. joke.

Kung di ka UP, anong school ka?
UST or La Salle? kasi di afford ni inay ng ateneo. Sa La Salle, baka makapasa ako sa scholarship. sa UST, ipagpapatuloy ko ang aking medicine dreams.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Chris Vincent All rights reserved.