Carl's posts with tag: yero

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag yero
Blog EntrySa Kainitan ng Araw, may Yerong LumipadMay 5, '08 11:25 PM
for everyone
Nanonood ako ng Desperate Housewives sa Star World kanina. Nung hinalikan na ni Susan Mayer si Mike Delfino, eh bigla na lang may kumalabog sa labas ng bahay namin. Pagtingin ko sa bintana, may Ale nang naiinis at tinitingnan ang yerong super laki sa tabi niya. Kulay green ito kaya nalaman ko na agad na sa amin nanggaling ang yerong iyon.

Wala kaming yero sa bahay. Gawa sa bato ang bahay namin. Kung iGoogle Map mo ang lugar namin, makikita mo lang ang isang rooftop na puro halaman at may basketball court. Kung nagtataka kayo kung bakit samin nanggaling ang yero, si Inay at Itay kasi ay nagdesisyong iRenovate ang bahay namin. Pinalawak nila ang sala namin. Kinuha nila ang dati kong kwarto at inilipat ako sa Third Floor, kung saan ako nakaupo at nagCocomputer ngayong mga oras na ito.

Hinahanap niyo pa rin ang storya ng yero? Pagkatapos kasi ipaRenovate ang aming sala, itinuloy na nila ang renovation sa Third Floor at Fourth Floor. Ang Third Floor na dati naming Balcony eh nilipat na sa Fourth Floor, para maging Balcony-slash-Basketball Court ng Mag-aamang Dayandante. Lalagyan nila ng yero ang Third Floor para mas cool daw ang paglalaba ni Inay at hindi na siya maglalaba tuwing gabi.

Habang inaayos nga nila ang bubong ng aming Third Floor, nahulog nga ang yero. At may nagsimulang magalit. Pagtingin ko sa labas ay nagmistulang Wisteria Lane ang street namin at nakatingin lahat sa tapat ng kapitbahay kung saan nahulog ang yero. NagSorry na lang si Itay sa kapitbahay at sinabing aksidente lang ang nangyari. Lagot tuloy ang mga alagad ni Don Facundo [ang boss ng mga gumagawa sa bahay namin] sa kapitbahay namin. Buti nga at wala ang bagong kotse ni Kumpare na nakapark lagi sa eksaktong lugar ng pinagbagsakan ng yero. May kasabay pa rin si Itay na maglinis ng Crosswind namin tuwing umaga.

~

Binigyan ako ng isang daan ni Inay!! May pambili na ako ng Desperate Housewives Season 3 + Grey's Anatomy. Episode 14 pa lang ang season 4. Maihahabol ko yan sa torrents! Woohoo!

~

For the sake of my religious post about AI. Eto ang aking rankings sa mga singers last week.

5
Brooke White

4
Jason Castro

3
Syesha Mercado

2
David Archuleta

1
David Cook

May pagpipiyestahan na naman ang the Soup. Haha. Nabangag lang si Paula nung episode na iyon. Pareho na silang may "tama" ni Jason Castro.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Chris Vincent All rights reserved.